Kathryn Bernardo pinagliyab ang socmed, may pa-pwet sa 29th birthday

Kathryn Bernardo
PINAGLIYAB ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo ang social media matapos bumandera ang kanyang sexy and daring birthday pictorial.
Talagang bumaha ng fire emojis ang kanyang Instagram account dahil sa mga 2-piece bikini at iba pang pasabog na photos na ipinost niya for her 29th birthday.
Una niyang ibinahagi ang kanyang IG ang mga litrato niya habang nasa kama suot ang cropped white tank with matching white girl briefs. Aniya sa caption, “Woke up as a 29-year-old.”
Sa ikalawa niyang post, may palaban at mas sensual ang kanyang mga litrato with her all-black look – suot ang fitted crop top na tinernuhan ng sexy bikini bottom. May suot din siyang black sunglasses sa ilang litrato habang may nilalantakang cheese puffs.
View this post on Instagram
“Welcoming my 29th with a midnight snack,” ang maikling caption ni Kathryn na nakakuha ng libu-libong likes.
In fairness, talagang napakaseksi naman talaga ngayon ng aktres at may pa-bonus pa siyang pa-pwet para sa madlang pipol.
Ilan sa mga celebrities na napa-wow sa paandar na birthday pictorial ni Kath ay sina Heart Evangelista, Angelica Panganiban, Rabiya Mateo, Cassy Legaspi, Sarah Lahbati, Darren Espanto, Marvin Agustin, Ricci Rivero, Aiko Melendez, Charo Santos at marami pang iba.
Nitong nagdaang weekend, nauna nang inirampa ni Kathryn ang kanyang fit and toned body sa naganap na Body of Work underwear fashion show.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.