Kathryn, Alden nagyakapan sa backstage ng fashion show

Kathryn, Alden nagyakapan sa backstage ng underwear fashion show, fans kinilig

Pauline del Rosario - March 24, 2025 - 11:26 AM

Kathryn, Alden nagyakapan sa backstage ng underwear fashion show, fans kinilig

PHOTO: Screengrab from TikTok/@ms.anjabad

MUKHANG hindi totoo ‘yung mga naglalabasang chika na nagdedmahan sa isang fashion show ang on-screen partners na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa katunayan nga ay may biglang lumitaw na video ng kuha ng dalawa na very sweet pa rin sa isa’t-isa.

Ito ay ibinandera ng username na @ms.anjabad na mapapanood sa TikTok.

Agad nag-viral ang nasabing post kung saan nagkaroon ng backstage moment ang dalawa.

Mapapanood na may kausap si Kath nang bigla niyang makita si Alden.

Baka Bet Mo: KathNiel, KathDen fans ayaw sa chikang may dyowa na na si Kathryn

Halatang na-excite pa nga ang aktres kaya agad niyang nilapitan ang aktor at sila ay nagkayakapan.

Rinig na rinig pa nga sa background ang tilian ng fans sa likod ng camera na talaga namang kinilig sa moment ng magka-love team.

After nilang magyakapan ay nag-usap pa sila habang nakangiti at kitang-kita na hinawakan pa ni Alden si Kathryn sa likod upang alalayang maglakad papalayo sa kanya.

Magugunitang parehong rumampa sa naganap na “Body of Work Underwear Fashion Show” sina Kathryn at Alden, kasama ang ilan pang bigating mga artista.

Nagsimula ang espekulasyon na hindi nagpapansinan sina Kathryn at Alden nang hindi sila magkasamang naglakad sa final walk bilang prime artists ng ABS-CBN at GMA.

Sa halip kasi na si Alden, ang Kapuso hunk na si David Licauco ang kasabay ni Kathryn sa pagrampa.

Naging agaw-pansin rin sa event ‘yung moment na nasa stage na lahat ng artista kung saan kinamayan nina Kathryn at Alden ang ibang mga kasama, pero silang dalawa mismo ay hindi nagtama ang paningin sa isa’t-isa at hindi rin nagbatian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit dahil sa nasabing viral video, mukhang okay at magkaibigan pa rin ang dalawang box-office stars.

Kamakailan lang, ibinunyag ni Ogie Diaz na ang dyowa ngayon ni Kathryn ay si Lucena Mayor Mark Alcala, ngunit wala pa itong kumpirmasyon mula sa dalawa until now.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending