Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare? | Bandera

Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare?

Ervin Santiago |January 17,2023
facebook
share this

Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare?

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 07:36 AM

Bakit nga ba biglang umiyak si Catriona Gray sa backstage ng Miss Universe 2022 pageant, anyare?

Catriona Gray

VIRAL na ngayon sa social media ang video ng TV host-beauty queen na si Catriona Gray kung saan makikitang umiiyak ang dalaga sa backstage ng katatapos lang na Miss Universe 2022 pageant.

Marami ang nakapanood nito na nag-akalang ang pagkatalo ni Celeste Cortesi ang iniiyakan ng ating Miss Universe 2018 titleholder.

Si Catriona ay nagsilbing backstage commentator sa naganap na Miss Universe 2022 grand coronation night sa New Orleans, USA nitong nagdaang January 14.

Mapapanood sa kumalat na video na humihikbi si Catriona habang umiiyak.

Pero ayon sa palitan ng mensahe ng mga netizens sa socmed, naluha ang girlfriend ni Sam Milby nang mapanood ang madamdaming tribute para sa namayapang Miss USA 2019 candidate na si Cheslie Kryst.

Kung matatandaan, naging housemate ni Catriona si Cheslie nang nanirahan siya sa New York apartment ng Miss Universe Organization.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)


Winakasan ng 30-year-old beauty queen ang kanyang buhay noong January 31, 2022.

At dahil nga sa pag-iyak ni Catriona sa backstage, marami nga ang nag-akalang sobra siyang naapektuhan sa hindi pagpasok ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa Top 16 finalists.

In fairness naman kay Cat, bilang commentator, agad siyang nag-post ng mensahe para kay Celeste at sa iba pang kandidata ng Miss Universe na bigong makapasok sa Top 16.

Bukod kay Celeste, nabanggit din ni Cat ang mga kandidata mula sa Indonesia, Mexico, at Thailand.

Paalala ni Catriona, “Guys, you are not alone, Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia, I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year.”

Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022

Kim Chiu napaluhod sa backstage matapos i-endorse ang tambalang Leni-Kiko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending