Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022 | Bandera

Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022

Therese Arceo |January 06,2023
facebook
share this

Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022

Therese Arceo - January 06, 2023 - 07:43 PM

Catriona Gray kabilang sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe 2022

CONFIRMED na nga ang chika at isa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga magiging backstage commentator ng Miss Universe pageant.

Ang magandang balita ay inanunsyo mismo ng Miss Universe organization at uploaded rin ito sa kanilang Instagram account.

“So excited to be a part of this line up,” saad ni Catriona.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging parte ang dalaga ng naturang beauty pageant kung saan siya nanalo noong 2018.

Ilan sa makakasama ni Catriona bilang backstage commentator ay ang Emny award-winner na si Zuri Hall.

Ang mga magiging host naman ng prestigious beauty pageant sa buong universe ay si Miss Universe 2012 na si Olivia Culpo kasama anf TV host na si Jeannie Mai Jenkins.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Ang dalawa ang magiging kapalit ng kilalang host na si Steve Harvey na siyang tumayong host ng Miss Universe mula 2015 hanggang 2022.

Si Celesti Cortesi nga ang magiging representative ng Pilipinas para sa 71st edition ng Miss Universe na gaganapin sa New Orleans, Louisiana sa United States sa January 14 (January 15 sa Pilipinas).

Related Chika:
Catriona Gray, Sam Milby ikakasal na nga ba?

‘Chandelier earrings’ ni Catriona sa Bb. Pilipinas 2022 trending, hirit ni Vice: Sana naghikaw siya, ang plain, e!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Catriona Gray may ‘special participation’ sa Miss Universe PH 2022 coronation night

Zeinab Harake super happy sa piling ng bagong dyowa; todo pasalamat sa pagmamahal, tiwala ni Rhea Tan

Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending