'Chandelier earrings' ni Catriona sa Bb. Pilipinas 2022 trending, hirit ni Vice: Sana naghikaw siya, ang plain, e!' Bandera

‘Chandelier earrings’ ni Catriona sa Bb. Pilipinas 2022 trending, hirit ni Vice: Sana naghikaw siya, ang plain, e!’

Ervin Santiago |August 01,2022
share this

‘Chandelier earrings’ ni Catriona sa Bb. Pilipinas 2022 trending, hirit ni Vice: Sana naghikaw siya, ang plain, e!’

Ervin Santiago August 01, 2022 - 12:54 PM

Vice Ganda at Catriona Gray

BUKOD sa mga itinanghal na  bagong reyna ng Binibining Pilipinas 2022 kagabi, nag-viral at trending din ang naging host ng pageant na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Agaw-eksena rin kasi ang Pinay beauty queen nang pumagitna na sa stage ng Binibining Pilipinas grand coronation night na ginanap sa Araneta Coliseum.

E, kasi nga, talagang nagmumura sa laki ang suot na hikaw ng girlfriend ni Sam Milby sa eveny na inihalintulad pa ng mga netizens sa chandelier.

Reaksyon nga ng mga nakapanood sa national pageant kagabi, tinalbugan pa raw ng bonggang hikaw ni Catriona ang opening number ng sikat na sikat na P-pop  group na SB19 kasama ang 40 candidates.

In fairness, kahit ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ay napa-react sa paglalaki-laking earrings ni Catriona.

“Sana naghikaw si Catriona. Ang plain, e! #BinibiningPilipinas,” ang birong comment ng TV host-comedian sa kanyang Twitter account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)


Narito naman ang iba pang reactions ng mga social media users habang ginaganap ang Binibining Pilipinas 2022 na inabot ng pasadp ala-1 ng madaling-araw.

“Wala pa bang ilalaki yan mars? Pachandelier ng ferson @catrionaelisa.”

“Ako yung nabibigatan sa earrings ni carriona ????????”

“On a scale of 1 to catriona’s earrings, gaano kabigat ang dinadala mo sa buhay?”

“Grabeng earrings yan madam @catrionaelisa pwedeng isabit sa kisame.”

“Mare wag ka masyado malikot hahaha kinakabahan ako baka mapigtas tenga mo Catriona.”

“Yung hikaw ni Catriona tinalo chandelier ng mayaman naming kapitbahay.”

“Taray ng earrings ni cat hahaha!”

“Wala na meme @vicegandako  kabogera talaga si @catrionaelisa parang ikaw.”

“Kaya late ng start meme! Dahil sinuot pa ung hikaw hahaah. Triggered ang madlang people na may pasok pa bukas.”

“Meme vice, kabogera sa hikaw si Catriona. I’m gonna swing from the chandelier! Ayeah.”

“Kaya pla kulang ung Christmas Tree ornaments nmin. Ano ba Cat?!”

Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up

Catriona Gray may ‘special participation’ sa Miss Universe PH 2022 coronation night

#Palaban: Pasabog na ‘body shot’ nina Sharon at Marco trending

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending