Nadine sa pag-display ng namatay na elepante: Shame on you!

Nadine, BF ‘gigil mode’ sa pag-display ng namatay na elepante: Shame on you!

Pauline del Rosario - December 23, 2024 - 05:47 PM

Nadine, BF 'gigil mode' sa pag-display ng namatay na elepante: Shame on you!

Nadine Lustre with Christophe Bariou, Mali

DESERVE ni Mali ang respeto!

Ito ang reaksyon na nais iparating ng animal advocates na sina Nadine Lustre at boyfriend nitong si Christophe Bariou nang mabalitaang naka-display sa Manila Zoo ang preserved body ng yumaong elepanteng si Mali.

Dismayado kasi sila sa ginawang ito ng nasabing zoo matapos itong sumailalim sa taxidermy.

“Mali’s legacy deserves respect, not display. Let her rest in peace!” sey ni Nadine sa Instagram Story.

Ni-repost din niya ang naging pahayag ni Christophe na ipinapakita ang parehong sentimyento ng ilang netizens.

Baka Bet Mo: Maynila hihingi ng mga elepante sa Sri Lanka, mga buto ni Mali ipe-preserve

“Even after death, you choose not to show the minimal decency that Mali deserves, despite her lifetime of suffering,” wika ng Filipino-French businessman.

Aniya pa, “Shame on you.”

Nadine, BF 'gigil mode' sa pag-display ng namatay na elepante: Shame on you!

PHOTO: Screengrab from Instagram Stoyr/@nadine

Para sa kaalaman ng marami, si Mali ang nag-iisang elepante ng bansa na nilagay sa Manila Zoo sa loob ng mahigit apat na dekada.

Dinala ito sa Pilipinas mula Sri Lanka noong 1977 bilang regalo sa dating First Lady na si Imelda Marcos.

Namatay ang elepante noong Nobyembre last year.

Ayon sa chief veterinarian ng nasabing zoo, ang pagkamatay ni Mali ay maaaring sanhi ng heart failure at mayroon din itong cancer na kung saan ay nag-suffer ito mula sa pinsala sa kanyang mga kidney, atay, at pancreas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Mali ang tinaguriang “world’s saddest elephant.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending