Maynila balak i-preserve ang mga buto ni Mali

Maynila hihingi ng mga elepante sa Sri Lanka, mga buto ni Mali ipe-preserve

Pauline del Rosario - November 30, 2023 - 12:36 PM

Maynila hihingi ng mga elepante sa Sri Lanka, mga buto ni Mali ipe-preserve

INQUIRER file photo/Edwin Bacasmas

MAGRE-REQUEST na ng mga bagong elepante mula sa Sri Lanka ang Manila Government, bilang kapalit ng pumanaw na nag-iisang elepante ng bansa na si Vishwa Ma’ali o mas kilala bilang “Mali.”

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, pinangakuan na noon ng Sri Lankan government ang dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno na magbibigay sila ng mga bagong elepnate sa Pilipinas.

“Ngayon po sisimulan po namin ang pakikipag-usap ulit with the Sri Lankan government, kami po ay susulat ng pormal sa kanila to inform them na wala na nga po si Mali,” sey ni Mayor Honey sa isang press briefing.

Patuloy niya, “At the same time, maka-request po kami sa kanila ng replacement po. Sorry pangit pakinggan, ‘yung papalit po kay Mali.”

Kasabay niyan ay nabanggit din ang posibleng sanhi ng pagpanaw ni Mali na ayon sa senior veterinarian ng Manila Zoo na si Dr. Heinrich Pena-Domingo ay dahil sa heart problem, pancreatic cancer, at multiple organ failure.

Baka Bet Mo: Fast food crew nag-resign matapos mag-viral sa pagbabahay-bahay

“Sa necropsy findings, nakita po namin, unang bumungad po sa amin ‘yung pancreas, neoplastic, meaning matigas po siya at parang meron na po siyang cancer dahil sa age niya,” sambit ng beterinaryo.

Patuloy niya, “As we go on, nakita po namin ‘yung mga nodules around the liver, pero yung liver naman po wala naman problema. ‘Yung kidney niya slightly inflamed, possible dahil masyado malaki, kaya po parang may pressure, balot po ito ng taba.”

“At the same time, nakita po namin ‘yung aorta, yung tubo palabas ng kanyang puso, ito po ay may makapal na taba na nakabara,” paliwanag pa niya.

Aniya pa, “Maaari po na ito ang cause ng pagkamatay niya, itong congestive heart failure.”

Chinika din ng doktor na ang buhay ng Asian elephants ay tumatagal lamang ng hanggang 40 to 45 years old.

Para sa kaalaman ng marami, si Mali ay ibinigay sa ating bansa noong ito ay 11 months old pa lang noong May 14, 1981.

Ang ibig sabihin niyan, nasa edad 43 na si Mali nang namatay.

Bukod diyan, nabanggit din ng alkalde na balak nilang i-preserve ang mga buto ni Mali upang ma-display sa museum.

“Alam niyo naman po prized possession po namin si Mali, siya po talaga ay isa sa mga star attraction po dito sa Manila Zoo,” saad ni Mayor Honey.

Ani pa niya, “Nagsisimula na po kami ng talks with the experts kung papaano po magagawa na ma-preserve yung bones niya at mailagay po natin sa museum natin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong November 28 nang pumanaw si Mali na ibinalita mismo sa social media ng Manila Public Information Office.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending