BTS j-hope bibisita sa Pilipinas sa Abril para sa concert tour
NAKO, for sure ay magwawala sa kasiyahan ang ARMY o fans ng sikat na K-Pop kings na BTS!
May exciting news para sa inyo dahil nakatakdang bumisita sa ating bansa ang Korean superstar na si j-hope.
Ito ay dahil parte ang Manila sa kanyang upcoming concert tour na pinamagatang “Hope on the Stage,” ayon sa kanyang Instagram post kamakailan lang.
Makikita sa nakabanderang poster na magsisimula ang concert tour ni j-hope sa Seoul, South Korea sa Pebrero.
Baka Bet Mo: BTS J-Hope tapos na sa military service sa Korea, fans nagbunyi
Kasunod niyan ay magtutungo naman siya sa ilang lugar sa Amerika, kabilang na ang Chicago, Oakland, Brooklyn, at Los Angeles.
Then after ay bibisita na siya sa Pilipinas kung saan ay magkakaroon siya ng two-day concert sa SM Mall of Asia Arena sa April 12 at 13!
Ilan pa sa mga Asian countries na kanyang pupuntahan ay ang Singapore, Hong Kong, Taiwan, Indonesia, at Japan.
View this post on Instagram
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may BTS member na magpupunta sa Pilipinas.
Pero kung matatandaan, taong 2017 nang nagtanghal ang buong grupo sa ating bansa dahil sa kanilang “Wings” concert na ginanap din sa MOA Arena.
Maaalalang taong 2022 nang magsimulang magpahinga sa music industry ang boy band dahil kailangan nilang sumabak sa military service.
Sa kanilang bansa, ito ay “mandatory” sa lahat ng kalalakihan na hindi lalampas sa edad 30.
October last year naman nang matapos ni j-hope ang kanyang 18-month military service at sa paglabas niya ay mainit siyang sinalubong ng ka-member na si Jin na naunang natapos ng serbisyo noong Hunyo.
Ang BTS ay nakatakdang makumpleto at magbalik sa music industry ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.