LIST: Taeyeon, j-hope, Lee Min Ho, iba pang major acts raratsada sa PH concert

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
MAINIT pa rin ang concert fever sa Pilipinas ngayong 2025!
Sa unang tatlong buwan pa lang ng taon, humigit 100,000 na ang dumagsa sa MOA Arena para sa sunod-sunod na sold-out concerts.
Pero ‘di pa ‘yan tapos, mga ka-BANDERA, dahil ngayong second quarter, mas matinding star power ang magpapayanig sa sikat na concert venue!
Grabe, sobrang solid ng concert lineup ngayon – may K-pop, rock, comedy, worship, at throwback jams—lahat ng genre covered!
Baka Bet Mo: JK matagal bago nakumbinsi ni Sylvia na mag-concert sa MOA, napamura!
Kaya heto na ang listahan ng international acts na siguradong magpapasabog sa MOA Arena:
TAEYEON: THE TENSE IN MANILA
March 29, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Mga SONE, ready na ba kayo? Ang K-pop queen na si Kim Taeyeon ng Girls’ Generation ay handang ibuhos ang kanyang matitinding vocals at heart-stopping performances sa kanyang concert na “The Tense!”
Expect na marinig nang live ang kanyang hit songs tulad ng “To. X,” “INVU,” at “Step Back.”
Huwag palampasin ang kanyang mala-diyosang presence sa stage!
J-HOPE: HOPE ON THE STAGE MANILA
April 12-13, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
ARMYs, maghanda na! Ang ultimate sunshine ng BTS na si j-hope ay babalik sa MOA Arena para sa dalawang gabing puno ng saya, swag, at killer dance moves!
Si Jung Ho-seok mismo ang magbibigay ng walang kasing-init na performance sa kanyang solo concert.
LEE MIN HO: MINHOVERSE 2025 ASIA FAN MEETING TOUR
April 26, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Ang OG Oppa na si Lee Min Ho ay babalik sa Manila para sa kanyang fan meeting tour!
Huling beses siyang nandito noong 2023 bilang SMDC endorser, pero this time, mas close and personal ang magiging bonding niya with his fans.
Kung pangarap mong masilayan si Min Ho nang harapan, ito na ang chance mo!
TOTO TOUR 2025
May 4, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Classic rock lovers, it’s time to “Hold the Line” dahil ang legendary band na TOTO ay dadalhin ang kanilang tour sa MOA Arena!
Maghanda na sa nostalgic feels habang pinapatugtog ang iconic hits tulad ng “I’ll Be Over You,” “Hold the Line,” at “Africa.”
ADO: HIBANA WORLD TOUR 2025
May 8, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Si Ado, ang mysterious singer-songwriter na hindi pa nagpapakita ng kanyang mukha, ay magpapasabog ng matinding energy!
Hitik sa emotions at powerful vocals ang kanyang kanta tulad ng “New Genesis,” “Backlight,” at “Usseewa.”
Ano kaya ang surpresa niya sa Manila fans?
PLAYBACK MUSIC FESTIVAL
May 9, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Para sa mga ‘90s at early 2000s music lovers, this is the ultimate throwback concert!
Sa unang pagkakataon, magsasama-sama ang Boys Like Girls, The Click Five, at Secondhand Serenade para magbigay ng nostalgia-filled na concert night.
Perfect ito para sa mga gustong bumalik sa dating panahon ng emo anthems at pop-rock hits!
JO KOY: JUST BEING KOY TOUR
June 21, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Handa na bang tumawa hanggang sumakit ang tyan?
Ang paborito nating Pinoy pride na si Jo Koy ay babalik sa MOA Arena para sa kanyang “Just Being Koy Tour.”
Sa kanyang mga iconic na jokes tungkol sa Asian moms, family antics, at Pinoy culture, siguradong matatawa ka nang todo!
PLANETSHAKERS: ABUNDANCE TOUR 2025 MANILA
July 25-26, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Muling dadalhin ng Planetshakers ang kanilang power-packed worship experience sa MOA Arena!
Isang life-changing event na magpapalakas ng iyong pananampalataya through music and praise.
Worshipers, this one’s for you!
BLACK EYED PEAS: LIVE IN MANILA 2025
August 27, 2025

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Finally, magpapasabog ng energy ang multi-Grammy award-winning group na Black Eyed Peas!
Ready ka na bang sumayaw sa “Where is the Love?,” “Pump It,” at “Let’s Get It Started”?
This is a once-in-a-lifetime concert experience na dapat mong abangan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.