LIST: Iba’t ibang ganap ngayong Pebrero na must-see at live na live

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
ANG Pebrero ay hindi lang buwan ng pag-ibig, kundi buwan din ng matitinding live entertainment na swak sa inyo ng special someone mo!
Kung naghahanap ka ng feel-good na event ngayong buwan, ito ang ilan sa mga dapat mong abangan sa SM Mall of Asia Arena.
UAAP Season 87 Men’s at Women’s Volleyball

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Simula February 15, magbubukas na ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 para sa men’s at women’s volleyball.
May ipagtatanggol na korona ang National University (NU) na kasalukuyang kampeon sa parehong men’s at women’s division.
Baka Bet Mo: LIST: Mga star-studded, pasabog na live concerts at events ngayong 2025
Kaya naman siguradong tutok ang buong UAAP community sa mga nagbabagang laban ng paborito nilang mga eskwelahan!
Abangan ang kumpletong iskedyul ng mga laro—baka nandiyan na ang dream match mo!
Taeyang 2025 Tour sa Manila – The Light Year

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Kung isa kang K-Pop fan, ito na ang pagkakataon mong makita nang live ang isa sa mga pinaka-iconic na artists ng South Korea –si Taeyang ng BigBang!
Mula sa kanyang hit songs na “Eyes, Nose, Lips,” “Vibe,” at “Home Sweet Home,” siguradong magdadala ng matinding kilig at feels ang kanyang solo concert sa darating na February 22.
Huwag palampasin ang one-night-only na performance na ito!
Wave to Earth Live in Manila!

PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena
Mga indie rock fans, ready na ba kayo?
Ang South Korean indie sensation na Wave to Earth ay handa nang ihatid ang kanilang dreamy tunes at chill vibes sa February 28.
Kung bet mo ang kantang “Seasons,” “Light,” at “Peach Eyes,” aba’y siguraduhin mong makakasama ka sa crowd na sabay-sabay kakanta at mag-eenjoy sa ultimate concert experience na ito.
Huwag nang magpahuli, baka maubusan ng tickets!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.