Mga miyembro ng BTS nag-renew ng kontrata sa Big Hit Music

Mga miyembro ng BTS nag-renew ng kontrata sa Big Hit Music

Pauline del Rosario - September 21, 2023 - 03:03 PM

Mga miyembro ng BTS nag-renew ng kontrata sa Big Hit Music

PHOTO: Instagram/@bts.bighitofficial

TULOY ang journey ng pagsasama ng mga miyembro ng K-Pop supergroup na BTS na sina RM, Jin, Suga, j-hope, Jimin, V at Jung Kook.

Ito ay sa gitna ng kanilang hiatus upang makapag-focus sa kanilang solo careers at mandatory military service sa South Korea.

Kinumpirma kasi ng music label na Big Hit Music na ang lahat ng miyembro ay pumirma na ng contract renewal sa kanila.

“The board of directors has completed [their decision] on renewing the exclusive contracts of all seven members of Big Hit Music’s artist BTS,” saad sa official statement ng kompanya na inilabas ng Korean media outlet na Yonhap News.

Wika pa, “This marks the septet’s second contract renewal with the company, as they previously extended their ties with Big Hit Music in October 2018.”

Baka Bet Mo: BTS Suga ready na sa military service, sisimulan na ang ‘enlistment’ sa September 22

“The first renewal took place ‘more than one year’ before the expiration of their original contracts,” ani pa.

Nilinaw din ng Big Hit na ang pag-renew ng BTS ay nagpapatunay na magpapatuloy pa rin ang karera ng grupo pagkatapos ng kanilang enlistment sa darating na 2025.

Samantala, sinabi ng parent label ng Big Hit Music na HYBE na magbibigay rin sila ng full support upang matiyak ang status ng BTS sa music scene.

“With the contract renewal, we will be able to participate in full activities of BTS, which we hope to have in 2025,” sey ng HYBE.

Dagdag pa, “Hybe and Big Hit Music will provide all possible support to further strengthen BTS’s status.”

As of this writing, ang mga miyembro na sumabak na sa military enlistment ay sina Jin at j-hope, habang si Suga ay nakatakdang pumasok sa military training sa September 22.

Kung matatandaan, June 2013 nang mag-debut ang BTS o kilala rin bilang “Bangtan Boys” o “Bangtan Songyeondan.”

Ang unang album nila ay pinamagatang “2 Cool 4 Skool.”

Related Chika:

BTS Jung Kook nilabas na ang debut single na ‘Seven’, music video #1 trending sa YouTube

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BTS member Jimin nag-positive sa COVID, inoperahan din dahil sa acute appendicitis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending