Sta. Cruz Church opisyal nang ‘minor basilica’

Sta. Cruz Church opisyal nang ‘minor basilica’, aprub ni Pope Francis

Pauline del Rosario - March 28, 2025 - 09:35 AM

Sta. Cruz Church opisyal nang ‘minor basilica’, aprub ni Pope Francis

PHOTO: Blog Spot/ Gles Fuertes

ISANG malaking biyaya ang dumating sa Sta. Cruz Parish sa Maynila matapos aprubahan ni Pope Francis ang pagiging Minor Basilica nito!

Ang makasaysayang pagbabagong ito ay opisyal na inanunsyo ng simbahan nitong Lunes, March 24.

Ito ay kasabay ng pormal na pagtalaga kay Fr. Marc Bryan Adona bilang pangalawang shrine rector at ika-80th na kura paroko.

Mas kilala rin bilang Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, ang Sta. Cruz Parish ay opisyal nang tinatawag na Minor Basilica of Nuestra Señora del Pilar. 

Baka Bet Mo: Pope Francis nakauwi na sa Vatican matapos maospital ng 5 linggo

Sa bagong titulong ito, kabilang na ang simbahan sa 25 na mga minor basilica sa buong Pilipinas na kinilala ng Santo Papa.

Ang nasabing pagkilala ay iginagawad sa mga simbahan sa buong mundo na may natatanging kasaysayan, pambihirang kagandahan ng arkitektura, at malaking papel sa buhay ng simbahan.

Ang makasaysayang promosyon ng Sta. Cruz Church ay kinumpirma rin mismo ng Roman Catholic Archdiocese of Manila noong Miyerkules, March 26, sa isang opisyal na pahayag sa Facebook.

“The Holy Father Pope Francis has granted Sta. Cruz Church (Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament) the honor of the title MINOR BASILICA OF NUESTRA SEÑORA DEL PILAR,” sey sa caption.

Mensaje pa ng Manila Archdiocese, “We congratulate the community and devotees led by their new rector and parish priest, Fr. Mark Adona SSS and the Blessed Sacrament Fathers led by their Provincial, Fr. Rudsend Paragas SSS.”

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang Sta. Cruz Church ay itinayo noong 1619, ngunit ilang beses na napinsala ng matitinding lindol at ng Battle of Manila noong 1945. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2018 naman nang ideklara ito bilang Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament sa ilalim ni dating Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle.

Samantala, wala pang itinakdang petsa para sa pormal na deklarasyon ng pagiging minor basilica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending