Pope Francis nakauwi na sa Vatican matapos maospital ng 5 linggo

Pope Francis nakauwi na sa Vatican matapos maospital ng 5 linggo

Pauline del Rosario - March 24, 2025 - 12:45 PM

Pope Francis nakauwi na sa Vatican matapos maospital ng 5 linggo

PHOTO: Screengrab from Facebook/Vatican News

NAKAUWI na sa Vatican si Pope Francis matapos ang mahigit limang linggong gamutan sa ospital dahil sa matinding pulmonya.

Dahil diyan, lubos ang pasasalamat ng Santo Papa sa lahat ng sumuporta at nagdasal para sa kanyang paggaling.

Kahit pagod at nanghihina pa rin, nagkaroon ng public appearance si Pope Francis mula sa balkonahe ng ospital, habang nakaupo sa wheelchair.

Mahinahon siyang kumaway at nag-thumbs up pa sa daan-daang mga tao na nagtipon sa labas upang ipakita ang kanilang suporta.

Tuwang-tuwa ang mga deboto kaya sila ay panay sigaw sa pangalan ni Pope Francis nang makita siya sa kauna-unahang pagkakataon mula noong February 14, kung kailan siya isinugod sa Gemelli Hospital sa Rome dahil sa hirap sa paghinga at respiratory illness na kalauna’y naging pulmonya.

Baka Bet Mo: Pope Francis kumpirmadong bumubuti na ang kalagayan, OK ang chest x-ray

“Thank you, everyone,” mahina ngunit taos-pusong sabi ng Santo Papa sa mikropono na ayon sa ulat ng INQUIRER.

Ang public appearance ng Holy See ay tumagal lamang ng dalawang minuto bago tuluyang ma-discharge sa ospital.

Umalis siya sakay ng isang puting Fiat 500 L, habang may nakakabit na cannula sa kanyang ilong para sa oxygen therapy.

Dumaan ang Santo Papa sa Santa Maria Maggiore, ang simbahan sa Rome kung saan siya laging nagdarasal bago at pagkatapos ng kanyang mga biyahe.

Matapos nito, bumalik na siya sa Vatican.

Ito na ang ika-apat at pinakamahabang pananatili ni Pope Francis sa ospital mula nang mahalal bilang Santo Papa noong 2013.

Dahil sa tinamong pulmonya at pagbagsak ng kanyang timbang, inaasahang aabutin pa ng dalawang buwan ang kanyang paggaling.

Magugunitang ilang beses nagkaroon ng problema sa paghinga si Pope Francis habang nasa ospital kaya kinailangan siyang isailalim sa bronchoscopy upang alisin ang bara sa kanyang baga at sumailalim sa blood transfusion.

Idineklarang ligtas na sa peligro si Pope Francis matapos ang isang buwang gamutan sa Gemelli Hospital.

Ngunit nagbilin din ang kanyang mga doktor na hindi pa siya maaaring makisalamuha sa maraming tao o humalik sa mga bata sa ngayon.

“Further progress will take place at his home, because a hospital — even if this seems strange — is the worst place to recover because it’s where you can contract more infections,” sey ni Dr. Sergio Alfieri kamakailan lang.

Dahil sa tinamong pulmonya, kinakailangan niya ring sumailalim sa physiotherapy upang maibalik sa normal ang kanyang boses.

“When you suffer bilateral pneumonia, your lungs are damaged and your respiratory muscles are also strained,” paliwanag ni Alfieri.

Aniya pa, “It takes time for the voice to get back to normal.”

Nang tanungin naman tungkol sa espekulasyong magbibitiw ang Santo Papa, mariing itinanggi ito ni Vatican Secretary of State Pietro Parolin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No, no, no. Absolutely not,” sagot niya nitong Lunes, March 24.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending