Pope Francis kritikal na ang kundisyon, posibleng magka-sepsis?

Pope Francis kritikal na ang kundisyon, posibleng magka-sepsis?

Pauline del Rosario - February 23, 2025 - 01:13 PM

Pope Francis kritikal na ang kundisyon, posibleng magka-sepsis?

Pope Francis

NAGING kritikal na ang health condition ni Pope Francis.

Ayon sa latest update ng Vatican, nagkaroon kasi siya ng matinding atake sa hika habang ginagamot ang pulmonya at kumplikadong impeksyon sa baga.

Nananatiling conscious ang Santo Papa, ngunit kailangan niyang sumailalim sa “high flow” oxygen therapy upang makatulong sa kanyang paghinga. 

Sumailalim din siya sa blood transfusion matapos makita sa medical tests na mababa ang kanyang platelet count, na mahalaga sa blood clotting o pamumuo ng dugo.

“The Holy Father’s condition continues to be critical, therefore, as explained yesterday (Friday, Feb. 21), the pope is not out of danger,” sey sa opsiyal na pahayag.

Baka Bet Mo: Manila archbishop humiling ng dasal para sa paggaling ni Pope Francis

Base sa ulat ng INQUIRER, ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Vatican ang salitang “critical” upang ilarawan ang kondisyon ni Pope Francis mula nang maospital siya kamakailan lang.

Nabanggit din sa statement na mas malubha umano ang nararamdamang sakit ngayon ng pontiff kumpara sa nagdaang araw. 

Ayon sa mga eksperto, ang pinakamalaking panganib na maaaring kaharapin ni Pope Francis ay ang sepsis, isang malubhang impeksyon sa dugo na maaari ring maging komplikasyon ng pulmonya. 

Sa ngayon, wala pang ebidensyang nagpapakita na may sepsis siya at maayos naman ang kanyang pagtugon sa mga gamot.

Samantala, base sa ulat ng iba’t ibang news organizations, tinanggap na umano ng Santo Papa ang kanyang kalagayan. 

May lumabas pang ulat na sinabi niya sa dalawa niyang malalapit na kaibigan, “I might not make it this time” o baka hindi na niya malagpasan ang kanyang sakit.

Ayon sa isang pahayagan sa Switzerland na Blick, isinailalim na sa curfew ang Swiss Guard, ang opisyal na tagapagbantay ng Santo Papa, bilang bahagi ng paghahanda sakaling pumanaw si Pope Francis. 

Dagdag pa rito, sinasabing nagsisimula na ring maghanda ang Vatican para sa funeral rehearsal.

Sa kabila ng lumalalang kalagayan ng Santo Papa, patuloy pa rin ang panawagan ng Simbahang Katoliko sa buong mundo na ipagdasal ang kanyang kalusugan at agarang paggaling.

Naging pinuno si Pope Francis ng Simbahang Katoliko at Vatican City State noong Marso 13, 2013. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasaysayan, siya ang ikatlong Santo Papa na bumisita sa Pilipinas. 

Isa sa kanyang mga hindi malilimutang pagbisita ay sa Tacloban, Leyte noong 2015, kung saan personal niyang nakasama ang mga survivor sa pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending