Manila archbishop humiling ng dasal para sa paggaling ni Pope Francis

INQUIRER file photo
KASALUKUYAN pa ring nasa ospital si Pope Francis, kaya naman nanawagan na ng community prayers si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Five days ago nang dinala sa Gemelli hospital sa Rome, Italy ang Santo Papa para sa ilang pagsusuri at gamutan dahil sa bronchitis, ngunit na-diagnose din siya ng double pneumonia.
Ayon kay Advincula, ang kanyang request sa madlang pipol ay dahil na rin sa apela ni Archbishop Charles John Brown, ang Apostolic Nuncio to the Philippines, na ipagdasal ang paggaling ni Pope Francis, pati na rin ‘yung mga doktor at nurses na nag-aalaga sa kanya.
“I would like to request our parishes and communities to organize community prayers for the intention of the Pope. Let us likewise offer our personal and family prayers for this intention,” sey ng Arsobispo sa isang pahayag.
Baka Bet Mo: Pope Francis pinalayas ang mga masasamang ispiritu sa Pilipinas
Dagdag niya, “Let us unite ourselves in prayer in this trying time for the Church.”
Ipinaliwanag ng Vatican kamakailan lang na parehong nagka-pneumonia ang dalawang baga ng Holy Father.
Nabanggit din na nakitaan si Pope Francis ng “polymicrobial infection” bukod pa sa “bronchiectasis and asthmatic bronchitis” kaya nire-require siyang sumailalim sa cortisone antibiotic therapy.
Narito ang dasal ng Manila Archbishop para kay Pope Francis:
Loving and merciful God, we implore You
to look kindly upon Your servant, Pope Francis,
Touch him with your compassion and consolation.
Restore his health and renew his strength
in mind, body, and spirit.
Surround him with your peace
and the support of the prayers of your holy people.
We place Pope Francis in your healing love
through the doctors, nurses,
and medical professionals who take care of him.
We ask this through Christ our Lord. Amen.
Mary, Health of the Sick, pray for us.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.