Pope Francis kumpirmadong bumubuti na ang kalagayan, OK ang chest x-ray

INQUIRER file photo
ISA na namang good news tungkol sa kalusugan ni Pope Francis!
Ayon sa Vatican nitong Miyerkules, March 12, patuloy ang paggaling ng Santo Papa mula sa matinding pulmonya batay sa naging resulta ng chest x-ray.
Sabi pa sa update, stable na ang kalagayan ni Pope pero dahil sa kanyang edad ay patuloy pa rin siyang inoobserbahan.
Sinabi rin ng Vatican na kahit nasa ospital, sumali pa rin si Pope Francis sa kanilang spiritual retreat online.
Sumailalim din daw ito sa kanyang therapy para sa paghinga at paggalaw matapos ang isang mapayapang gabi.
Baka Bet Mo: Pope Francis may bininyagan sa ospital kahit nagpapagaling pa, posibleng ma-discharge ngayong April 1
Sa ngayon, gumagamit siya ng oxygen support sa araw at isang espesyal na mask sa gabi para mas gumaan ang kanyang paghinga habang natutulog.
Ngayong Huwebes, March 13, ipagdiriwang ni Pope Francis ang kanyang ika-12th anniversary bilang Santo Papa.
Wala pang announcement kung paano ito ise-celebrate, pero ginawa itong public holiday sa Vatican.
Si Pope Francis, na dating si Cardinal Jorge Mario Bergoglio, ay naging Santo Papa noong 2013 matapos magbitiw si Pope Benedict XVI.
Dati niyang sinabi na maaaring sundan niya ang yapak ni Benedict kung kinakailangan, pero kamakailan lang, sinabi niyang ang pagiging Santo Papa ay panghabambuhay na tungkulin.
Sa Biyernes, March 14, mag-iisang buwan na si Pope Francis sa ospital.
Sa kasaysayan, ang pinakamahabang hospital stay ng isang Santo Papa ay si St. John Paul II noong 1981 na umabot ng 55 days matapos sumailalim sa isang operasyon.
Kung mananatili pa si Pope Francis hanggang Biyernes, mapapantayan niya ang pangalawang pinakamahabang pananatili sa ospital na 28 days, na naitala rin ni John Paul II noong 1994 matapos siyang operahan sa balakang.
Sa ngayon, wala pang bagong larawan o video ng Santo Papa mula nang maospital siya.
Noong isang linggo, naglabas siya ng isang audio message para magpasalamat sa mga nananalangin para sa kanya.
Pero halata sa kanyang mahinang boses na nanghihina pa rin siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.