Pope Francis may bininyagan sa ospital kahit nagpapagaling pa, posibleng ma-discharge ngayong April 1 | Bandera

Pope Francis may bininyagan sa ospital kahit nagpapagaling pa, posibleng ma-discharge ngayong April 1

Pauline del Rosario - April 01, 2023 - 10:09 AM

Pope Francis may bininyagan sa ospital kahit nagpapagaling pa, posibleng ma-discharge ngayong April 1

PHOTO: Facebook/Vatican News

MUKHANG malakas na ulit si Pope Francis at mabilis na naka-recover sa kanyang respiratory infection.

Habang siya ay naka-confine kasi sa Gemelli hospital ay nagawa pa niyang bisitahin ang mga batang may sakit ng nasabing ospital.

Ang good news pa ng Vatican, pwede nang ma-discharge at umuwi ang Santo Papa sa kanyang tahanan ngayong Sabado, April 1.

Nakatakda rin daw si Pope Francis na magmisa ngayong Palm Sunday (April 2) bilang simula ng Holy Week.

“After evaluating the results of the examinations carried out today and the favorable clinical progress, (the medical team) has confirmed the Holy Father’s discharge from the Gemelli Hospital tomorrow,” sabi sa pahayag ng Vatican.

Magugunitang isinugod sa ospital ang 86-year-old na Santo Papa dahil nahihirapan siyang huminga.

Baka Bet Mo: Pope Emeritus Benedict XVI pumanaw na sa edad 95

Ayon sa kanyang medical team, na-diagnose siya na may bronchitis at ang antibiotics na ibinigay ay epektibo.

Bilang ebidensya na bumubuti na nga ang kalagayan ni Pope Francis ay may inilabas pang video ang Vatican na kung saan ay mapapanood na may binibinyagan siyang isang sanggol na nasa ospital.

May picture ding ipinakita na namimigay siya ng Easter Egg sa mga bata.

Sinabi ng Vatican, nanatili ng 30 minutes sa mga ward ng cancer at neurosurgery ng mga bata si Pope Francis bago bumalik sa kanyang sariling kwarto.

At dahil pinaghahandaan na ng Vatican ang Holy Week, tiniyak ni Giovanni Battista Re, ang dean ng college of cardinals, na tutulungan ng mga kardinal ang Santo Papa sa mga pagdiriwang ng mga misa ngayong Holy Week.

Sila na rin daw ang bahala sa pangangalaga ng mga alter duty.

Read more:

True story ng paring exorcist sa Vatican magpapakilabot sa pelikulang ‘The Pope’s Exorcist’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending