Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate! | Bandera

Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!

Therese Arceo |March 22,2022
facebook
share this

Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!

Therese Arceo - March 22, 2022 - 06:16 PM

Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!

MULING nagkita ang aktres na si Angel Locsin at si Francis Magundayao matapos ang 17 years.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkita ang dalawa sa naganap na PasigLaban people’s rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan noong Linggo, March 20 kung saan parehas silang dumalo bilang pagpapakita ng suporta sa dalawang kumakandidato sa dalawa sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Nagkasama sina Angel at Francis noon sa Kapuso teleserye na “Darna” na umere noong 2005 kung saan gumanap ang aktres bilang si Darna/Narda habang si Francis naman ay gumanap bilang si Iking, ang nakababatang kapatid ni Narda na eventually ay naging sidekick niya bilang Darna.

Maikli man ang naging encounter ng dalawa ay nakuhanan naman ni Francis ang pagkikita nila ng kanyang Ate Narda at ibinahagi ito sa kanyang TikTok account.

“Even after 17 years, superhero ka pa din sa mata ko, ate @therealangellocsin #darna,” sagot nito sa kanyang caption.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francis Magundayao (@francisthe79th)

 

Makikita sa naturang video na tinitignan ni Francis si Angel na abala naman sa pakikipagkamay sa iba pang kakampinks.

Matapos nito sy sumigaw naman siya ng “Darna” sabay turo sa aktres na nakikisalamuha sa crowd.

Sa sumunod naman na clip ay makikita na nagkausap saglit sina Francis at Angel kung saan siya nagpakilala.

Naghawak kamay pa nga ang dalawa at ipinakilala rin ng binata ang kanyang girlfriend sa aktres.

“Nice to see you my iking,” comment naman ni Angel sa Instagram post ni Francis.

“Ate salamat sa lahat ng pinaglalaban mo,” reply ni Francis.

Nag-post rin sa kanyang Instagram story si Francis ng kanilang BTS photo noon nila ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“For context guys, eto po kami dati,” saad ng binata.

Bukod kay Angel at Francis, marami pang ibang celebrities at personalities na dumalo sa naturang people’s rally gaya nina Donny Pangilinan, Julia Barretto, Melai Cantiveros, Robi Domingo, at marami pang iba.

Related Chika:
Angel ipinasa na ang ‘bato’ ni Darna kay VP Leni: Nu’ng nagsisigaw ako, sabi ng asawa ko ‘tama na, tama na!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending