Camille Villar pinalawak ang bed capacity sa Las Piñas hospital

Camille Villar nanguna sa pagpapalawak ng bed capacity sa Las Piñas General Hospital

Jan Escosio - March 20, 2025 - 10:15 PM

Camille Villar nanguna sa pagpapalawak ng bed capacity sa Las Piñas General Hospital

MULING pinagtibay ni House Deputy Speaker Camille Villar ang kanyang paninindigan para sa mas abot-kamay at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Ito ay sa pamamagitan ng pangunguna sa inagurasyon ng bagong 12-palapag na gusali ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGHSTC) na nagpalawak sa kapasidad ng ospital sa 500 kama.

Ang pagpapalawak ng ospital ay alinsunod sa Republic Act No. 11497 na isinulong at isinabatas mismo ni Villar na naglalayong magbigay ng mas mahusay na serbisyong medikal sa mga residente ng timog Metro Manila at kalapit na mga lugar sa Cavite.

Bukod sa pagdagdag ng bed capacity, pinahusay din nito ang serbisyong medikal ng ospital at pinalawak ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan, kabilang ang mga doktor, nars, at iba pang staff.

Baka Bet Mo: Camille Villar sa mga tsismis, bashers: ‘Lalabas at lalabas naman ang totoo’

“Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos at fully-equipped na mga ospital at medical facilities na accessible para sa ating mga kababayan na may sakit,” sey ni Villar sa inagurasyon, habang binibigyang-diin ang pangangailangan ng matibay na programa sa kalusugan mula sa gobyerno.

Binigyang-diin din niya na responsibilidad ng pamahalaan na tiyakin ang kalusugan at kagalingan ng bawat Pilipino.

“Responsibilidad ng pamahalaan ang pagpapatupad ng kalidad na mga health programs na tumutugon at magsisiguro ng kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino,” dagdag niya.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si LPGHSTC Medical Director Dr. Ignacia Guia Fajardo kay Villar at sa kanyang pamilya na sina Senador Cynthia at Mark Villar dahil sa kanilang mahalagang papel sa pag-secure ng pondo para sa pagpapalawak ng ospital.

Bilang matibay na tagapagtaguyod ng pampublikong kalusugan, ginawa ni Villar na pangunahing adbokasiya ang pagpapalakas ng healthcare system sa kanyang panunungkulan bilang mambabatas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong tumatakbo siya bilang senador, nangako siyang isusulong ang mas makabago at progresibong mga polisiya upang tugunan ang mahahalagang isyu sa kalusugan, edukasyon, pabahay, karapatan ng kababaihan, at pagpapaunlad ng negosyo.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang pagpapalawak ng LPGHSTC ay patunay ng dedikasyon ni Villar sa pagbibigay ng makabuluhang reporma na tunay na nakakapagpabago sa buhay ng mga Pilipino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending