Villar: Agrikultura, edukasyon, maliliit na negosyo focus sa senado

Camille Villar: Agrikultura, edukasyon, at maliliit na negosyo ang focus sa senado

Jan Escosio |
Eleksyon 2025 -
April 10, 2025 - 08:03 AM

Camille Villar: Agrikultura, edukasyon, at maliliit na negosyo ang focus sa senado

MULING pinagtibay ni senatorial aspirant Camille Villar ang kanyang matibay na pangako na suportahan ang agrikultura, edukasyon, at ang maliliit at katamtamang-laking negosyo (SMEs) sa kanyang pagbisita kamakailan sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Habang hinahangad niyang makaupo sa Senado sa darating na halalan sa Mayo 2025, tiniyak ni Villar na bibigyang-prayoridad niya ang mga sektor na mahalaga sa pangmatagalang pag-unlad ng bansa at inklusibong paglago ng ekonomiya.

Nakipagpulong si Villar sa mga lokal na opisyal at mga alkalde sa buong lalawigan upang talakayin ang mga pangunahing isyung kinahaharap ng mga komunidad.

Lumutang ang agrikultura at pag-unlad ng negosyo bilang mga pangunahing tema.

Baka Bet Mo: Camille Villar suportado ng mga pinuno ng Iloilo City sa pagkakandidato sa Senado

Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng SMEs bilang gulugod ng ekonomiyang Pilipino—na lumilikha ng trabaho, nagtutulak ng inobasyon, at nagbibigay-kapangyarihan sa mga pamilya.

“Ang SMEs ay nagbibigay-buhay sa maraming komunidad. Kapag sinusuportahan natin ang maliliit na negosyo, hindi lang tayo tumutulong sa mga negosyante—tinutulungan natin ang kabuhayan, mga pangarap, at kinabukasan ng ating mga anak,” diin ni Villar.

Itinampok din niya ang pangangailangang palakasin ang suporta para sa sektor ng agrikultura at ang pagpapabuti ng akses sa dekalidad na edukasyon—mga haliging aniya’y mahalaga sa pag-unlad ng kanayunan at pangmatagalang katatagan.

Dumalo sa dayalogo ang mga pangunahing lider ng lalawigan kabilang sina Misamis Oriental First District Representative Christian Unabia, Gutalac Mayor Jessa Mugot, Balingasag Mayor Joshua Unabia, Initao Mayor Mercy Grace Acain, Salay Mayor Sonny Tan, Naawan Mayor Dennis Roa, Villanueva Mayor Bing Dumadag, Claveria Mayor Reynante Salvaleon, Talisayan Mayor Rico Taray, Binuangan Mayor Dann Isaiah Lusterio, Magsaysay Mayor Charlie Buhisan, Kinoguitan Mayor Ryan Pabellan, at Lagonglong Representative Jack Puertas.

Camille Villar: Agrikultura, edukasyon, at maliliit na negosyo ang focus sa senado

“Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong mga adbokasiya sa akin. Hindi ko po ‘yan makakalimutan. At masasabi kong buhay na buhay pa rin ang mga adbokasiya ng aming pamilya. Makaaasa po kayo na hindi namin kayo malilimutan. Saan man ako makarating, babalik at babalik tayo sa Misamis Oriental,” pahayag ni Villar sa mga lokal na lider.

Ang pagbisita ay bahagi ng patuloy na listening tour ni Villar sa iba’t-ibang panig ng bansa, kung saan nakikipag-ugnayan siya sa mga komunidad upang mas maunawaan ang kanilang mga pangarap at pangangailangan.

Sa platapormang nakaugat sa pagbibigay-kapangyarihan at kaunlaran, si Camille Villar ay naglalayong maging boses ng inklusibong pag-unlad sa Senado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending