MRT-3 may libreng sakay para sa ‘solo parents’ ngayong April 26

PHOTO: Facebook DOTr MRT-3
MAY good news ang MRT-3 para sa mga dakilang solo parents ngayong Sabado, April 29!
Sa selebrasyon ng Solo Parents’ Week, makaka-avail ng “free ride” ang ating mga solo nanay at tatay.
Ayon sa advisory ng MRT-3, ang libreng sakay ay ipatutupad sa peak hours ng operasyon, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Para ma-avail ang libreng sakay, huwag kalimutan ang Solo Parent I.D.!
Baka Bet Mo: MRT-3 may bonus na 1 hour sa gabi, magdadagdag ng tren tuwing rush hour
Ipakita lang ito sa station personnel para makasakay nang libre.
Ang paandar na ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11861 o mas kilala bilang “Expanded Solo Parents Welfare Act,” kung saan itinatakda ang ikatlong linggo at ikatlong Sabado ng Abril bilang Solo Parents Week at National Parents Day.
Samantala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee ay magsasagawa rin ng isang one-stop-shop caravan sa Mandaluyong College of Science and Technology sa parehong araw.
Layunin nitong tulungan ang mga solo parents na mag-apply o mag-renew ng kanilang Solo Parent I.D.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.