Duterte gusto nang umuwi ng Pinas: I'm an old man...I want to die in my country | Bandera

Duterte gusto nang umuwi ng Pinas: I’m an old man…I want to die in my country

Ervin Santiago - April 05, 2025 - 01:12 PM

Duterte gusto nang umuwi ng Pinas: I'm an old man...I want to die in my country

“I WANT want to die in my country!” Iyan daw ang mensaheng nais iparating ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, gustung-gusto na raw makauwi ng kanyang ama sa Pilipinas na kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng International Criminal Court o ICC sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng press kay VP Sara nitong Biyernes, April 4, ibinahagi niya ang mensaheng nais iparating ng dating presidente  sa lahat ng Filipino at sa buong mundo.

“‘Everything I did, I did for my country. (I don’t know) whether that statement is acceptable or not, but I want it out to the world,'” ang message raw ni Duterte na ibinahagi ni VP Sara.

Baka Bet Mo: Bato magsusuot ng wig sa pagbisita kay Duterte sa The Hague para ‘di makilala

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon pa sa bise presidente, palaging binabanggit ni Duterte sa kanya na nais na niyang makabalik sa Pilipinas.

“He wants to go back to the Philippines, He said, ‘I am an old man. I can die anytime. But I want to die in my country,” ang pahayag pa raw ng dating pangulo.

Matatandaang noong March 11, dinakip ang former president sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng ICC dahil sa umano’y mga nagawa niyang “crimes against humanity”.

Ito’y kaugnay nga ng ipinatupad niyang madugong kampanya kontra droga o ang tinawag nilang “Oplan Tokhang.”

Sa darating na September 23, 2025 pa nakatakdang humarap sa confirmation of charges hearing si dating Pangulong Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending