Sara Duterte tinawag na 'lason' graft & corruption sa Pinas

Sara Duterte tinawag na ‘lason’ graft & corruption sa Pinas, sugpuin na!

Ervin Santiago - April 08, 2025 - 12:35 AM

Sara Duterte tinawag na 'lason' graft and corruption sa Pinas: It needs to be cut

Sara Duterte at Rodrigo Duterte

PARA kay Vice President Sara Duterte, “lason” ang patuloy na nangyayaring graft and corruption sa Pilipinas at dapat na itong masugpo.

Natanong kasi ang bise presidente ng media kamakailan bago umuwi ng bansa mula sa The Hague, Netherlands kung ano ang masasabi niya sa walang kamatayang problema ng Pilipinas sa  “graft and corruption” at kung paano niya ito ikukumpara sa Netherlands.

Sey ni VP Sara, hindi pa siya naka-access ng social services sa The Netherlands kaya wala siyang idea kung paano ito gumagana sa naturang bansa. Pero naniniwala siya na mataas ang graft and corruption index sa Pilipinas.

“Speaking of graft and corruption, it is really what you would call poison for a country. And in the graft and corruption index, we are high up there.

“The Philippines is high up there. We need to do something about it,” pahayag ni Duterte.

Ibinahagi pa ni VP Sara ang naranasan umano niyang korapsyon bago magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), kung saan isiniwalat nga niya ang involvement umano ng ilang mambabatas.

“By my personal experience, the budget of the Department of Education, the school building program, the new construction, everything is divided among members of the House of Representatives.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“And they are not even implementers of projects. That is the job of the executive department. That is the job of the Department of Education,” mariing sabi ng vice president.

Patuloy pa niya, “I’m sure there are a lot of other incidents inside the departments in the government where there is graft and corruption.

“So it’s poison to a country and it needs to be cut. It needs to be taken out so that the money of our resources are put to good use,” sabi ni VP Sara.

Kung matatandaan, September, 2024 nang ilantad ng bise presidente na kaya raw siya nag-resign bilang DepEd secretary ay dahil kinuha umano nina House Speaker Martin Romualdez at Appropriations Chair Zaldy Co ang budget na nakalaan para sa ahensya.

Pero dinenay agad ito ni Co at tinawag na “pambubudol” ng mga naging pahayag ni Duterte.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Kamara ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at maging ng DepEd noong si Duterte pa lamang ang kalihim ng ahensya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

March, 2025 naman nang ilabas ng Kamara ang iba pang listahan ng mga kaduda-dudang pangalan na tumanggap umano ng confidential funds ni Duterte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending