Honeylet Avanceña sa mga nagpakulong kay Duterte: Impiyerno kayo!

Rodrigo Duterte at Honeylet Avanceña
BEAST mode at palaban na naman ang peg ng common-law partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.
Talagang ayaw tantanan ni Honeylet ang mga taong nagpaaresto at nagpakulong daw kay Duterte sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) dahil sa mga nagawa raw nitong “crimes against humanity”.
Sa interview ng media sa partner ni Duterte nitong Miyerkules, April 9, nagbigay siya ng update sa naging usapan nila ng dating presidente nang madalaw nila ito sa The Hague.
“I asked him nga eh, ‘how do you feel? Are you angry?’ He said ‘no.’ Kaya yung mga gumawa sa kaniya nito, impyerno kayo!” ang matapang na pahayag ni Honeylet.
“All he cared for was about his country, alam n’yo ‘yan,” dugtong pa niya.
Ayon pa kay Honeylet, isang maliwanag na “wrong move” daw ang ginawang pag-aresto at pagpapakulong sa dating Pangulo sa ICC.
View this post on Instagram
“Buti sana kung naging tarantado, magnanakaw, bangag. ‘Di ba? Akala nila that will put him down. Nagkamali sila. Wrong move,” saad pa ni Honeylet.
Nakatakdang humarap si Duterte sa darating na September 23, 2025, sa confirmation of charges hearing sa The Hague, Netherlands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.