Pope Francis pinalayas ang mga masasamang ispiritu sa Pilipinas
Nakaalis na si Pope Francis kahapon. Nakaramdam ng lungkot ang bansa natin sa kaniyang paglisan. Kasi nga, matagal-tagal din si Santo Padre dito sa atin, ito na yata ang pinakamatagal niyang pagdalaw sa isang bansa – marami siyang dahilan para mag-stay talaga dito sa atin.
Sa tinagal-tagal ng panahon, kailangan niya talagang ma-bless ang Pilipinas na pinupugaran ng napakaraming buwitre at kailangang mabendisyunan.
It’s good to know na na-exorcise na ang bad spirits dito sa atin kahit paano. Yung mga vultures sa society natin kahit paano ay nawalis – ang good spirits na ang namamayani sa kasalukuyan and hopefully this stays forever.
Hindi sana matalo ng mga nagbabait-baitan pero demonyo naman ang kalooban, di ba? At least tayo, hindi tayo nagkukunwaring mabait pero ang kaibuturan ng ating mga puso ay dalisay at tunay naman talagang mabuti.
Basta, huwag na natin silang tukuyin at pangalanan – alam nila kung sinu-sino sila. Ha-hahaha! Yes, that infectious smile – that beautiful words of wisdom, that sincere hugs and handshakes – ilan lang iyan sa mami-miss natin kay Pope Francis.
Kakaiba siyang Sugo ng Panginoon. Iba ang presensiya niya, nagdulot sa atin ng kakaibang buhay. It inspired millions of us, Filipinos, at nanumbalik ang pananampalataya ng marami sa ating mahal na Panginoon.
It’s good na nadalaw niya tayo sa Pilipinas at a time when we needed it most. Thanks, Pope Francis. We truly love you. As you pray for us, we also pray for you. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.