Heat index sa Los Baños pumalo sa 'dangerous level' na 50°C

Heat index sa Los Baños, Laguna pumalo sa ‘dangerous level’ na 50°C

Ervin Santiago - April 16, 2025 - 09:52 AM

Heat index sa Los Baños, Laguna pumalo sa 'dangerous level' na 50°C

Stock photo

UMABOT sa 50°C ang heat index sa Los Baños, Laguna kahapon, April 15, base sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Naitala ang napakataas na heat index sa National Agrometeorological Station-University of the Philippines Los Baños (NAS-UPLB), Los Baños, Laguna.

Maituturing nang mapanganib o nasa antas na ng dangerous level ang naturang heat index na siyang pinakamataas nang naitala sa naturang probinsya kumpara nitong mga nagdaang araw.

Pahayag ng Pagasa, ang heat index na nasa pagitan ng 42°C and 51°C ay masasabing mapanganib na kung saan maaaring makaranas ang isang tao ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng magresulta sa heat stroke.

Ang sumunod namang may pinakamataas na heat index ay San Ildefonso, Bulacan na may 48°C habang pumalo naman sa 44°C ang Tarlac City, Tarlac, Cavite City, Cavite, Tanauan, Batangas, Pili, Camarines, Sur at Catarman, Northern Samar.

Umabot naman sa 43°C ang Echague, Isabela at Baler, Aurora habang 42°C naman ang naitala sa Pasay City, Metro Manila, Iba, Zambales, Clark, Pampanga, Coron, Palawan, San Jose, Occidental Mindoro, Roxas City, Capiz, Iloilo City, Iloilo at Dumangas, Iloilo.

Sabi pa ng Pagasa, ito na ang ikalawang pagkakataon na pumalo sa ganito kataas na heat index ngayong April, ang una ay noong April 1 sa Iba, Zambales.

Samantala, dahil sa napakataas na heat index sa Los Baños, nagdeklara ang local government ng suspension of in-person classes ngayong araw, April 16 at mag-shift muna sa modular o online classes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending