DOH nagbabala sa heat-related illnesses dahil sa mataas na ‘heat index’

INQUIRER file photo
MAY babala ang Department of Health (DOH) tungkol sa heat-related illnesses matapos ibalita ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mataas na antas ng heat index sa Quezon City, Pampanga at Nueva Ecija.
Ayon sa DOH, ang heat index na umaabot sa 42 degrees celsius hanggang 51 degrees celsius ay nasa “danger” level at maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.
Ilan sa mga sintomas nito ay sobrang pagkapagod, pagkahilo, sakit ng ulo, at pagsusuka.
Baka Bet Mo: Kaso ng hand, foot & mouth disease triple ang bilang ngayong 2025
Pinayuhan ng ahensya ang publiko na mag-ingat upang maiwasan ang mga nabanggit dahil maaari itong mauwi sa heat stroke.
“Prolonged heat exposure increases the risk of heat stroke, a serious condition that may cause loss of consciousness, confusion, seizures, or convulsions, which can be fatal if left untreated,” sey sa advisory ng DOH na iniulat ng INQUIRER.
Narito ang ilang first-aid tips mula sa health bureau para sa mga nakakaranas ng sintomas ng heat-related illnesses:
Ilipat ang pasyente sa malamig at may maayos na bentilasyong lugar.
Alisin ang sobrang kasuotan.
Maglagay ng cold compress o basang tela sa ulo, mukha, leeg, kili-kili, pulso, bukung-bukong, at singit.
Painumin ng malamig na tubig nang dahan-dahan kung kaya pang uminom.
Dalhin agad sa ospital kung kinakailangan.
Para naman maiwasan ang ganitong kondisyon, heto ang paalala ng DOH:
Uminom ng maraming tubig at iwasan ang iced tea, soft drinks, kape, at alak.
Bawasan ang outdoor activities mula 10 a.m. hanggang 4 p.m.
Gumamit ng pananggalang sa init tulad ng sumbrero, payong, at sunscreen.
Magsuot ng maluwag at magaan na kasuotan.
“We can prevent heat-related illnesses. Check Pagasa’s heat index updates and take extra precautions, especially when it reaches 33°C,” sey ni Health Secretary Teodoro Herbosa.
Dagdag niya, “If the heat index reaches or exceeds 42 degrees celsius, it’s already dangerous –drink clean water frequently and avoid going outside from 10 a.m. to 4 p.m.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.