Kaso ng hand, foot & mouth disease triple ang bilang this 2025

Kaso ng hand, foot & mouth disease triple ang bilang ngayong 2025

Pauline del Rosario - March 02, 2025 - 10:22 AM

Kaso ng hand, foot & mouth disease triple ang bilang ngayong 2025

INQUIRER file photos

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa dumadaming kaso ng hand, foot, and mouth disease o HFMD sa bansa.

Ayon sa naitala ng DOH, umaabot na sa 7,598 cases ang naitala nila mula January 1 hanggang February 22.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng triple kaysa last year na mayroong 2,665 cases lamang.

“Mahigit kumulang kalahati (52 percent) ng mga kaso ng HFMD ay naitala mula sa Central Luzon, Mimaropa, Metro Manila, at Cordillera Autonomous Region,” sey ng ahensya ngayong March 2.

Ayon pa sa kanilang datos, 4,225 ay mga bata na nasa edad apat pababa, habang ang natitirang 2,069 na kaso ay mga nasa edad lima hanggang siyam.

Baka Bet Mo: Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ

Paliwanag ng health bureau, ang HFMD ay “infectious” at kumakalat sa pamamagitan ng laway.

Ang ibig sabihin niyan, pwede itong makahawa “when a person touches his eyes, nose, or mouth with a hand that has touched an object contaminated with the virus.”

Karamihan ng HFMD cases ay mild, pero ang mga sintomas nito ay lagnat, ubo, pigsa, ulser sa bibig, at paltos sa mga kamay, paa, at sa puwet.

Pwede rin ito maging sanhi ng mas seryosong komplikasyon, kagaya ng meningitis at encephalitis o inflammation of the brain.

Upang maiwasan ang pagkalat ng virus, ang payo ng DOH ay dapat mas madalas ang paghuhugas ng kamay at buuin ang 20 segundong paghuhugas gamit ang malinis na tubig at sabon.

Sey pa ng ahensiya, “Ang mga may sakit, lalo na kapag pinaghihinalaan o kumpirmadong kaso ng HFMD, ay dapat manatili sa bahay at iwasang pumasok sa paaralan o trabaho. Manatili muna sa bahay nang 7-10 araw o hanggang sa panahong mawala ang lagnat at matuyo na ang mga sugat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa, “Ihiwalay ang mga kubyertos at iba pang personal na kagamitan ng taong maysakit, at linisin ang lugar kung saan sila nanatili gamit ang disinfectant matapos ang inirekomendang pagkabukod.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending