DOH sa nakuhang infection ni Manuel Masalva: Wag mag-panic

DOH sa pagkakaroon ng bacterial infection ni Manuel Masalva: Wag mag-panic

Therese Arceo - April 09, 2025 - 10:59 PM

DOH sa pagkakaroon ng bacterial infection ni Manuel Masalva: Wag mag-panic

PINAYUHAN ng Department of Health o DOH ang publiko na huwag mag-panic matapos ang nangyari sa Mexican actor na si Manuel Masalva.

Matatandaang naisulat namin dito sa BANDERA na pinaniniwalaan ng manager ng Mexican actor na nakuha ng kanyang alaga ang bacterial infection matapos itong magbakasyon sa Palawan.

Ayon sa kanilang inilabas na pahayag sa TeleRadyo Serbisyo ng DOH spokesperson Albert Domingo na walang dapat ipag-alala ang publiko sa nangyari.

“Ang unang tanong nga namin—anong bacteria? Kasi ang daming bacteria sa buong paligid natin.

Baka Bet Mo: Mexican actor Manuel Masalva stable na matapos ang critical condition

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Actually, ngayon pa lang na humihinga tayo tapos humawak tayo sa lamesa, may bacteria. Pero hindi naman po lahat aggressive at hindi lahat nagkakasakit,” sey ng DOH spokesperson.

Hindi naman sa minimenus nila ang pagkakaroon nito ng sakit nang magbakasyon sa bansa ngunit sana ay sinabi kung anong partikular na bacteria ang tumama upang mapag-aralan ito.

Ayon pa sa DOH spokesperson, “We are not discounting the fact na nagkaroon ng sakit yung ating celebrity at, ayon sa kanyang publicists, is from the Philippines.

“Pero sana sinabi po kung ano yung particular na bacteria, kung saan mismo nakuha para makilusan natin.”

Sinabihan naman ng DOH ang publiko na huwag mag-panic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Huwag pong mag-panic ang ating mga kababayan dahil if you read the news reports, sila na mismo ang nagsabi na kayang gamutin ng antibiotics kung anuman yung nakita nila [na bacteria].

“Kami naman po sa DOH, wala po kaming magawa dahil sa labas po siya [ng bansa] nagpaospital. But we are already asking officially doon sa Dubai at Mexico kung anuman po yung sakit na iyon para po matugunan natin,” lahad pa nito.

Sa ngayon ay stable na ang lagay ni Manuel at patuloy na nagpapagaling sa iniindang sakit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending