Nelson Canlas tinalakan ng taga-DOH matapos ma-interview si Pia?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang latest post ng Kapuso reporter na si Nelson Canlas.
Ito ay matapos siyang dumalo sa event ng Department of Health (DOH) para sa World’s AIDS Day.
Maraming netizens ang nagulat sa nakakaintrigang Facebook post ni Nelson na ang bungad ay, “Respect Goes Both Ways.”
Caption pa niya, “I don’t expect a red carpet when I attend events, but if you invite me, I do expect basic respect. If that’s too much, maybe rethink your guest list. Respect isn’t optional—it’s the bare minimum.”
Baka Bet Mo: Pia, FL Liza Marcos nagsama para sa HIV awareness: ‘It’s a national priority’
Marami nang nagbigay ng komento at kuro-kuro sa nangyari sa nasabing media event na umabot na sa 600 engagements, 19 shares plus 61 comments.
Sa comment section, agaw-pansin ang reaksyon ng kapwa-TV reporter ni Nelson na si MJ Marfori ng TV5.
Sey niya, “Tag na ba natin? [laughing face, red flag emojis] Talaga siya lol.”
Sumagot naman sa kanya si Nelson at sinabing, “’Wag. pero I’m expecting a letter of request from him stating ‘yung mga gusto niyang mangyari. When I go to events, I don’t come just as myself, I represent a bigger entity.”
Nagpadala naman kami ng private message kay Nelson para alamin anong nangyari, pero hindi kami sinagot, seenzoned lang.
Ngunit nang tanungin naman ang iba, naikwento nila sa amin na sobrang pinahiya raw si Nelson ng taga-DOH.
Ang tsika sa amin, “Hi! Si Pia (Wurtzbach) natigalgal nu’ng tinanong ni Nelson about Heart (Evangelista), so after ng interview ok lang sila ni Nelson.
“Pero ‘yun pala sinumbong siya (Nelson) sa (taga) DOH,” pagbubunyag ng nakausap namin.
Sambit pa niya, “Tapos may nobody sa DOH pinatawag si Nelson tinalakan siya! Pinabubura LAHAT ng materyal niya.
“As in bungad ‘I SAID NO INTERVIEWS! DELETE ALL THE FOOTAGE.’ Etc etc basta super-bastos na pasindak na pautos walang basic decency to ask what happened. Bakit ‘di siya (DOH) sa GMA sumulat?”
Magugunitang matagal nang nababalitaan na may isyu umano sa pagitan nina Pia at Heart, pero ito ay ilang ulit nang itinatanggi ng dalawa.
Very unusual kay Nelson ang ginawa niyang pag-post at ang pagkakakilala namin sa kanya ay hindi siya basta nagagalit unless nabastos siya.
Anyway, nalaman din namin sa aming source na pinagawan ng incident report si Nelson ng GMA.
Samantala, sinusubukan namin mag-reach out sa DOH upang malaman ang kanilang side at mananatiling bukas ang BANDERA upang magkaroon ng paglilinaw sa naging isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.