Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ | Bandera

Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ

Ervin Santiago |December 06,2021
facebook
share this

Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ

Ervin Santiago - December 06, 2021 - 12:21 PM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

PROUD na ibinandera ni Kathryn Bernardo sa madlang pipol na isa siyang certified hands-on girlfriend kay Daniel Padilla.

Sa isang question and answer session na mapapanood sa kanyang latest YouTube vlog, sinagot ng award-winning actress ang ilang assumptions ng mga fans tungkol sa kanya. 

Nagpakatotoo ang dalaga sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang mga tagasuporta about her personal life, kabilang na nga riyan ang tungkol sa relasyon nila ni DJ.

Isa sa mga sinagot ni Kathryn ay ang kung may nakasamaan ng loob o nakaaway na ba siyang kapwa celebrity o artista mula noong magsimula siya sa showbiz bilang child star.

“May nakaaway ba? Sa pagkakaalam ko, wala. Tingin ko, wala. Wala akong nakaaway na celebrity. Siguro hindi ko lang masasabi na super friendly ako na sobrang dami kong friends especially sa showbiz pero wala akong nakaaway pa,” tugon ng dalaga.

Aniya pa, “Kapag may nakaaway ka, makakatrabaho at makakatrabaho mo ‘yun. It’s going to be hard for you. 

“Magiging awkward lang. So might as well huwag ka na lang mang-away ng ibang tao, kung wala namang ginawa sa’yo,” dagdag pa niyang chika.

“Pero kung may ginawa sa ‘yo at kaaway-away, go awayin mo. Pero kung wala naman, it’s better to work peacefully na wala kang natatapakang ibang tao. As far as I know, wala akong nakaaway,” dugtong ni Kath.

Inamin din ng dyowa ni Daniel na madali rin siyang mairita, “Mainitin ang ulo ko. Actually, I don’t like that about me. Very impatient ako. 

“Especially kapag it’s time of the month for us girls, extra mainitin yung ulo ko. Yung pasensya ko, liliit pa iyan. Alam ko hindi siya maganda. 

“May mga days na mabait naman ako. Pero kapag lang talaga yung time of the month na yun, huwag mo talaga ako pikunin kasi magiging dragon talaga ako,” natatawang paliwanag ng box-office queen.

View this post on Instagram

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Samantala, inilarawan din niya ang sarili kung anong klase siyang girlfriend ni Daniel, “I think I am very clingy. Pero malaking difference yung clingy sa needy. 

“I think I am not needy. I am just clingy. When I say clingy, malambing. I want not naman parati na nagkikita kami ni DJ. 

“Pero we make sure na meron kaming own time alone. Pero I want din na may time kami sa isa’t isa,” sey ni Kath.

Aniya pa, “I like being hugged. I think I am very touchy and clingy. It makes me feel good. Ang sarap kaya kapag hina-hug ka, holding hands. If you notice, ganu’n kami ni DJ, kasi pareho kami na ganu’n yung love language namin.

“I am the type of girlfriend na very hands on sa boyfriend. Like yung mga gamit, kung anong kailangan niya, if may kailangan siya ipasabay sa ‘yo, ikaw yung gagawa.

“I think very hands on ako. Likewise with DJ, I think he’s very hands on as well. So I like that,” chika pa ng Kapamilya actress.

Nito lang nakaraang Setyembre, ipinagdiwang ng KathNiel ang kanilang 10th anniversary bilang pambatong loveteam ng ABS-CBN habang siyam na taon na ngayon ang relasyon nila bilang real life couple.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending