Mayor Perez ng Los Baños nakaburol na sa kanilang ancestral house | Bandera

Mayor Perez ng Los Baños nakaburol na sa kanilang ancestral house

facebook
share this

Mayor Perez ng Los Baños nakaburol na sa kanilang ancestral house

- December 05, 2020 - 08:52 AM

Photo courtesy of Municipal Government of Los Baños

Nakaburol na sa kanilang ancestral house sa Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna ang mga labi ng pinaslang na si Mayor Ceasar Perez.

Tumannggi namang magsalita ang mga kaanak ni Perez kaugnay sa insidente.

Gayunman, hinihintay pa ang anak ng alkalde na nasa abroad para sa detalye ng burol at libing nito.

Hindi pa rin matiyak kung kailan dadalhin ang labi ng alkalde sa Municipal Hall ng Los Baños para sa pagbibigay ng parangal dito at upang mas marami ang makapagbigay ng huling pagrespeto rito.

Si Perez ay binaril at napatay sa loob ng compound ng munisipyo noong Huwebes ng gabi.

Naulila ng alkalde ang kanyang asawa at tatlong anak.

Mayor ng Los Baños binaril at napatay sa loob ng munisipyo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending