50,000 death toll posibleng maitala kapag dumating na ang ‘The Big One’

Ang Hyatt Hotel sa Baguio City na gumuho dahil sa malakas na lindol noong 1990
HANDA ka na ba sakaling dumating ang kinatatakutang “The Big One” sa Pilipinas na tinatayang magdudulot ng magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila at mga kalapit na lugar?
Sa pagtaya ng Office of Civil Defense (OCD), maaaring umabot sa 50,000 katao ang magiging death toll kapag nanalasa na ang “The Big One”.
Ayon kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, sa pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyayari ang paggalaw ng West Valley Fault System kada 400 hanggang 600 taon.
Base sa research, papalapit na umano ang Pilipinas sa susunod na paggalaw ng West Valley Fault System, na posibleng magdulot ng nasa 7.2 magnitude na lindol sa kalakhang Maynila.
Nabanggit ni Nepomuceno ang resulta ng pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) 20 years ago kung saan ang “worst case scenario” umano sa magnitude 7.2 na lindol sa National Capital Region ay posibleng magresulta sa mahigit 30,000 hanggang 50,000 pagkamatay.
Nasa 160,000 serious injuries naman ang maaaring maitala dahil sa naturang “The Big One.” Matindi rin daw ang magiging epekto nito sa mga ospital.
“Ang Manila Trench po, ang projection diyan 8.3…Mas may banta at may banta pa ho ‘yan ng tsunami. Again, hindi po tayo nananakot kaya lang dapat paghandaan po kasi ‘yung ganito ano.
“Idinarasal nating lahat na huwag mangyari to subalit, katungkulan po namin na ipaliwanag nang mabuti at paghahandain po tayong lahat. Huwag ho nating asahan lang ang national government,” aniya pa.
Samantala, ayon naman kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, “The agency is estimating a death toll of around 51,500 from the Big One: 33,500 from the quake itself, and around 18,000 additional deaths from fires, along with 100,000 injured, the Big One in NCR.
“The expected ground shaking in Metro Manila is intensity 8, and also, we expect residential buildings, around 12% to 13% would sustain heavy damage, 10 to 30-storey buildings around 11% heavy damage, and then 30 to 60-storey buildings, 2%,” ani Dr. Bacolcol.
Pero sabi ni Bacolcol, may earthquake generators na nagdudulot ng temblors kahit na may malakas na magnitude tulad sa Gabaldon, Nueva Ecija na maaaring dumanas ng magnitude 7.9 earthquake.
Makakaapekto naman ang Philippine Trench sa Eastern Samar at magdudulot ng 8-9 metrong tsunami waves at ang Manila Trench ay maaaring mag-generate ng magnitude 8.2 na lindol.
Taong 1976 nang dumanas ang Pilipinas ng magnitude 8.1 na lindol na nakaapekto sa Cotabato na ikinamatay ng 8,000 katao makaraan ang tsunami waves.
Ayon pa kay Nepomuceno, para maiwasan ang “worst cases scenarios” dahil sa napakalakas na lindol, nagsasagawa na sila ng dalawang antas ng paghahanda – ang earthquake drills at ang pagsisiyasat sa mga gusali at imprastraktura sa NCR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.