Surigao del Sur 2 beses tinamaan ng malakas na lindol

Surigao del Sur 2 beses tinamaan ng malakas na lindol

Pauline del Rosario - December 03, 2023 - 09:46 AM

Balita featured image

DALAWANG napakalakas na lindol ang yumanig sa Surigao del Sur.

Ang huli ay ang 6.1 magnitude earthquake kaninang 12:03 a.m. ngayong Linggo, December 3.

‘Yan ay mahigit dalawang oras ang nakalilipas matapos tumama ang 6.9 magnitude earthquake sa parehong probinsya.

Ang epicenter ng pinakahuling pagyanig ay matatagpuan sa layong 64 kilometers north-northeast ng Lingig na may lalim na isang kilometro lamang, na nagpapahiwatig ng isang mababaw na seismic event.

Ayon sa datos ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity IV sa Nabunturan, Davao de Oro, habang naramdaman naman ang Intensity III sa City of Tandag, Surigao Del Sur.

Kasunod ng naunang 6.9 magnitude na lindol, maitala ang ilang serye ng aftershocks – ranging from a micro 1.9 magnitude to a moderately strong 5.7 magnitude.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs ramdam na ramdam ang lindol sa La Union; Sunshine Guimary naiyak, na-trauma

Dahil sa lakas nito, itinaas ang “tsunami wave warnings” sa bandang timog-kanlurang baybayin ng Japan at sabay na ipinalikas ang mga residente malapit sa mga baybayin ng Surigao Del Sur at Davao Oriental.

Sa ngayon, inalis na ng Phivolcs ang tsunami alert, pero patuloy pa rin nilang pinapayuhan ang mga residente na sumunod at makinig sa mga awtoridad ng kanilang lugar.

Sa sobrang lakas ng lindol ay naramdaman din ito sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.

Ang epicenter ng 6.9 magnitude na lindol ay natagpuan sa layong 42 kilometers north-northeast of Hinatuan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangyari ‘yan bandang 10:37 p.m. noong December 2.

As of this writing, walang mga ulat ng pinsala o nasaktan na dulot ng nasabing seismic event.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending