Abalos isinusulong ang ‘Super Health Centers’ sa kanayunan

Abalos isinusulong ang ‘Super Health Centers’ sa kanayunan

Jan Escosio - March 17, 2025 - 10:07 AM

Abalos isinusulong ang ‘Super Health Centers’ sa kanayunan

ISINUSULONG ni dating DILG secretary at kandidato sa pagka-senador na si Benhur Abalos Jr. ang pagtatatag ng Super Health Centers sa buong bansa upang mapabuti ang serbisyong medikal, lalo na sa mga liblib at kulang sa pasilidad na lugar.

Sa isang panayam sa Tacloban City, binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangan ng isang sistematikong imbentaryo ng mga ospital sa buong bansa upang matukoy kung aling hospital facilities ang epektibong pinamamahalaan ng mga pamahalaang panlalawigan at kung alin ang dapat suportahan o pangasiwaan ng pambansang pamahalaan.

“Kailangang i-inventory ang mga ospital. Ilan ang pinapatakbo ng probinsya? Ano ang estado ng mga ito? Kung nahihirapan, dapat pumasok ang pambansang pamahalaan,” sey niya.

“May mga probinsya na may ospital pero walang doktor at kagamitan. May mga lugar naman na talagang walang ospital,” dagdag ni Abalos, na binanggit na ito ay bunga ng Local Government Code of 1991 (RA 7160), na naglipat ng pamamahala ng mga secondary at tertiary hospitals sa mga local government unit (LGU), kaya’t sila ang may responsibilidad sa pagpopondo at pagpapatakbo ng mga ito.

Baka Bet Mo: Benhur Abalos todo suporta sa ‘anti-corruption campaign’ ni PBBM

“Hindi lahat ng probinsya ay may sapat na pondo para suportahan ang kanilang mga ospital,” dagdag niya, habang binibigyang-diin ang kanyang adbokasiya na amyendahan ang Local Government Code upang matugunan ang mga kakulangan sa pondo at pamamahala ng serbisyong pangkalusugan, pati na rin ang iba pang isyung pumipigil sa epektibong paghahatid ng mahahalagang serbisyong medikal at panlipunan.

Batay sa kanyang karanasan bilang alkalde ng Mandaluyong, iginiit ni Abalos na dapat palawakin ang Super Health Centers upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangang medikal at mapagaan ang bigat sa mga malalaking ospital.

Ipinaliwanag niya na ang Super Health Centers ay pinalakas na bersyon ng barangay health stations na may emergency services, X-ray machines, at diagnostic tools upang maibsan ang pagsisikip sa mas malalaking ospital.

“Ito ang ginawa namin sa Mandaluyong—Super Health Centers na kayang tugunan ang mga simpleng kaso upang ang mga ospital ay makapagpokus sa mas malalang kondisyon,” paliwanag ni Abalos.

Dahil sa geography ng Pilipinas, iminungkahi ni Abalos ang strategic na pagtatayo ng mga Super Health Centers upang mapalapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad na malayo sa mga pangunahing ospital.

“Kung maayos ang Super Health Centers, hindi na kailangang dumagsa ang mga pasyente sa mga ospital. Mas magiging epektibo ang sistema, at mas maraming buhay ang maliligtas,” saad niya.

Binigyang-diin din ni Abalos ang papel ng PhilHealth sa pagsuporta sa mga LGU sa pamamagitan ng subsidy sa gastusing medikal, ngunit iginiit niya na mas mahalaga ang pagbibigay-priyoridad sa preventive care kaysa sa gamutan.

“Mahalaga ang PhilHealth dahil nire-reimburse nito ang LGUs, pero mas mahalaga ang pagpigil kaysa paggagamot—an ounce of prevention is better than a pound of cure,” aniya, kung saan tinutukoy niya ang Konsulta Program ng PhilHealth, na nag-aalok ng libreng taunang check-up, diagnostic services, at maintenance medication.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kailangang malaman ito ng tao,” sambit niya.

Giit pa ni Abalos, “Maraming buhay ang maaaring mailigtas sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at preventive care.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending