Pope Francis bago namatay: Nagdiwang ng Easter Sunday, kinita ang US Vice President

PHOTO: from Vatican Media
MARAMI ang nagulat at nagtaka sa biglaang pagpanaw ni Pope Francis ngayong araw, April 21.
Ilan lamang sa mga huling alaala niya ay ‘yung naki-join siya nitong Linggo, April 21, upang ipagdiwang ang Easter Sunday kasama ang publiko.
Bagamat nanghihina pa rin ay nagawa pa rin niyang magsalita sa harap ng napakaraming deboto.
Nagbigay pa nga si Pope Francis ng tradisyonal na Easter blessing mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica sa Vatican.
Baka Bet Mo: Pope Francis sa sakit na pneumonia: ‘I might not make it this time’
At bago ‘yan ay nagkaroon pa siya ng maikling pagpupulong kasama si US Vice President JD Vance.
Nitong Lunes (April 21) ng umaga nang ibinandera ni Cardinal Kevin Farrell, ang camerlengo ng Vatican, ang pagakamatay ni Pope Francis.
Ayon sa kanyang pahayag na ibinalita ng CNN, “Dear brothers and sisters, with deep sorrow I must announce the death of our Holy Father Francis.”
“At 7:35 this morning the Bishop of Rome, Francis, returned to the house of the Father. His whole life was dedicated to the service of the Lord and His Church,” patuloy pa.
Sey pa ni Farrell, “He taught us to live the values of the Gospel with fidelity, courage and universal love, especially in favour of the poorest and most marginalized.”
“With immense gratitude for his example as a true disciple of the Lord Jesus, we commend the soul of Pope Francis to the infinite merciful love of the Triune God,” aniya pa.
Si Pope Francis, na naging kauna-unahang Latin American pontiff noong 2013, ay isa rin sa mga pinakamatandang naging Santo Papa sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.
Pumanaw siya ilang linggo lamang matapos siyang makalabas mula sa isang ospital sa Rome kung saan siya’y ginamot sa malalang pulmonya sa parehong baga.
Ayon sa kanyang mga doktor, naging matatag na ang kanyang kondisyon kaya’t ipinagpatuloy na lamang ang kanyang pagpapagaling sa Casa Santa Marta, ang kanyang tirahan sa Vatican.
Mula noon ay ilang beses pa siyang lumabas sa publiko, kabilang na ang 30 minutes na pagbisita niya sa isang bilangguan sa Rome nitong Huwebes, April 17, at ang pagpunta niya sa St. Peter’s Basilica nitong Sabado ng gabi, April 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.