Pope Francis pumanaw na sa edad 88, ayon sa Vatican

Pope Francis pumanaw na sa edad 88, ayon sa Vatican

Pauline del Rosario - April 21, 2025 - 04:19 PM

Pope Francis pumanaw na sa edad 88, ayon sa Vatican

Pope Francis

TULUYAN nang sumakabilang-buhay si Pope Francis sa edad 88, ngayong araw, April 21.

Ito ay kinumpirma ng Vatican News sa isang Facebook post.

“Pope Francis died on Monday, April 21, 2025, at the age of 88 at his residence in the Vatican’s Casa Santa Marta,” saad sa caption.

Magugunita noong Marso nang makauwi ang Santo Papa sa Vatican matapos ang mahigit limang linggong gamutan sa ospital dahil sa matinding pulmonya.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Nagkaroon pa nga siya ng public appearance mula sa balkonahe ng ospital, habang nakaupo sa wheelchair, upang personal na magpasalamat sa lahat ng sumuporta at nagdasal sa kanyang paggaling.

Kahit nanghihina at pagod na pagod dahil sa sakit, mahinahon siyang kumaway at nag-thumbs up pa sa daan-daang mga tao na nagtipon sa labas upang ipakita ang kanilang suporta.

Maaalalang may mga naglabasang balita nu’ng mga panahon na naka-confine siya na tinanggap na umano ng Santo Papa ang kanyang kalagayan.  

May lumabas pang ulat na sinabi niya sa dalawa niyang malalapit na kaibigan na, “I might not make it this time” o baka hindi na niya malagpasan ang kanyang sakit.

Ayon sa naunang pahayagan sa Switzerland na Blick, isinailalim na sa curfew ang Swiss Guard, ang opisyal na tagapagbantay ng Santo Papa, bilang bahagi ng paghahanda sakaling pumanaw si Pope Francis. 

Dagdag pa rito, sinasabing nagsisimula na ring maghanda ang Vatican para sa funeral rehearsal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging leader si Pope Francis ng Simbahang Katoliko at Vatican City State noong March 13, 2013. 

Base sa kasaysayan, si Pope Francis ang ikatlo sa mga Santo Papa na bumisita sa Pilipinas (January 15 to January 19, 2015: ang una ay si Pope Paul VI noong 1970, sinundan ni Pope John Paul II na dalawang beses dumalaw sa bansa (1981 at 1995).

Isa sa mga binisita niya ay ang Tacloban, Leyte, na sinalanta ng Bagyong Yolanda (2013). Doon, nakasama niyang nananghalian ang mga naka-survive sa mapaminsalang bagyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending