Abalos: National Land Use Act mahalaga sa pag-iwas sa food crisis

Abalos: National Land Use Act mahalaga sa pag-iwas sa krisis sa pagkain

Jan Escosio - March 24, 2025 - 04:17 PM

Abalos: National Land Use Act mahalaga sa pag-iwas sa krisis sa pagkain

Benhur Abalos

TINIYAK ni dating Interior Secretary Benhur Abalos na isusulong niya sa Senado ang panukalang National Land Use Act kapag nahalal sa papalapit na midterm elections sa Mayo.

Ayon kay Abalos napakahalaga ng panukala sa usapin ng seguridad sa pagkain sa Pilipinas.

Nababahala raw siya sa mabilis na urbanisasyon dahil nauubos ang mga lupang sakahan o taniman.

“Ito ay tungkol sa pagkain. Ito ay tungkol sa buhay. Ito ay tungkol sa kinabukasan natin. Kung wala tayong food sustainability, inilalagay natin sa alanganin ang ating hinaharap,” sey ng dating interior secretary sa mga reporters bago ang campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Sta. Rosa City, Laguna kamakailan.

Baka Bet Mo: Abalos naantig sa ‘Balota’, may panawagan para sa mga guro sa 2025 Elections

Hinikayat ni Abalos ang mga lokal na pamahalaan na gumawa na ngayon ng hakbang upang hindi mabili ng mga negosyante ang mga lupa sa kanilang lugar.

“Ang maaari nating gawin ay magbigay ng insentibo sa lokal na antas upang  magdalawang isip ang mga may-ari ng lupa bago ito ibenta,” dagdag pa niya.

Bukod diyan, umapela rin si Abalos na buhusan ng suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na imprastraktura, abot-kayang pautang, at mas murang crop insurance.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending