Mga transport group at urban poor solid ang suporta kay Abalos

Mga transport group at urban poor solid ang suporta kay Abalos sa eleksyon

Jan Escosio - April 06, 2025 - 05:40 PM

Mga transport group at urban poor solid ang suporta kay Abalos sa eleksyon

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga grupo ng transportasyon at iba’t-ibang organisasyon ng urban poor para sa kandidatura sa senado ni dating Interior Secretary Benhur Abalos Jr.

Higit sa 300 lider at miyembro mula sa malalaking transport groups, kabilang ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Inc. (LTOP Inc.), Stop and Go Transport Coalition, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), at Pasang Masda, ang nagtipon kamakailan upang ipahayag ang kanilang suporta kay Abalos.

Bukod sa kanyang karanasan bilang dating Kalihim ng DILG at alkalde ng Mandaluyong City, nagsilbi rin si Abalos bilang abogado para sa mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA).

Kamakailan, nakipagpulong si Abalos kay Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II upang hilingin ang mas mabilis na pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga TODA at jeepney drivers.

Baka Bet Mo: Benhur Abalos: Mga pagsubok at pagbangon sa serbisyo publiko

Samantala, pormal namang nagbigay ng suporta ang mga grupo ng urban poor sa ginanap na general assembly sa Taytay, Rizal noong Abril 4. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ULAP (Ugnayang Lakas ng mga Apektadong Pamilya) NCR at Rizal, at iba pang grassroots organizations mula sa Metro Manila, Laguna, Rizal, at karatig-lalawigan.

Kabilang sa mga grupong ito ang Bahangunian (Laguna), Maharlika Homeowner’s Association – Taytay, Bagong Pag-asa Homeowners’ Association – Taytay, Samahang Magkakapitbahay ng Velederama Inc. (Maynila), Samahang Magkakapitbahay sa Juan de Moriones (Maynila), Nagkakaisang Mamamayan sa Pasong Putik (Quezon City), Samahan ng Maralitang Magkakapitbahay ng Delpan Island (Maynila), ULAP Dona Soledad Imelda Federation (Quezon City), Alliance of People’s Organization along Manggahan Floodway (Pasig), at iba’t ibang asosasyon mula sa Taguig, Montalban, at San Mateo.

Mga transport group at urban poor solid ang suporta kay Abalos sa eleksyon

Members of Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Inc. (LTOP Inc.), along with former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, endorse the senatorial bid of former Interior Secretary Benhur Abalos Jr. during a gathering of transport groups held recently in Metro Manila.

“Maraming maraming salamat sa tiwala ninyo. Sa aking paglilingkod, asahan ninyo na hindi ko kayo bibiguin,” pahayag ni Abalos bilang pasasalamat sa mga lider at miyembro ng mga organisasyon.

“Ang aking lola ay isang kasambahay, ang lolo ko ay hardinero. Ako’y galing sa daycare ng barangay kaya alam ko ang hirap sa baba,” pagbabahagi pa niya.

Bilang dating alkalde ng Mandaluyong City, nakapagpatayo si Abalos ng mga pabahay na nagbigay ng disente at maayos na tirahan para sa humigit-kumulang 7,700 mahihirap na pamilya.

Sa panahon din ng kanyang panunungkulan, inilunsad niya ang Project TEACH (Therapy, Education, and Assimilation of Children with Handicap), isang komprehensibong programa na nagbibigay ng libreng therapy at edukasyon para sa mga batang may kapansanan, kasama ang aktibong pakikilahok ng kanilang mga pamilya.

“Through this program, we aimed to give these children equal opportunities in life,” dagdag niya.

Ang legislative platform ni Abalos ay nakatuon sa pagtugon sa mga pang-araw-araw na hamon ng mga marginalized communities.

Kabilang sa kanyang mga panukala ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) sa kuryente at buwis sa produktong petrolyo na ginagamit sa power generation upang mapababa ang singil sa kuryente, lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng brownout.

“Kung gusto natin bumaba ang presyo ng kuryente, tanggalin na dapat ang VAT at ang buwis sa krudo para mas maging abot-kaya ang bayarin,” diin ni Abalos.

Isinusulong din niya ang pagbibigay ng gratuity at insentibo para sa mga job order at contract of service workers sa gobyerno.

Sa sektor naman ng agrikultura, patuloy niyang isinusulong ang komprehensibong suporta para sa mga magsasaka—kabilang ang abot-kayang pautang, pinalawak na crop insurance, bawas-buwis, at allowance para sa kanilang mga anak. Bukod pa rito, mariing itinutulak ni Abalos ang pagpasa ng National Land Use Act upang maprotektahan ang mga lupang pansakahan at matiyak ang food security.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinaglalaban din niya ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law upang palakasin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na hindi lang direktang makabili ng bigas mula sa mga magsasaka kung hindi kasama na ang pagbebenta nito sa makatarungang presyo sa merkado. Isinusulong din niya ang amyenda sa Local Government Code upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga local government units, na kanyang inilarawan bilang “ang frontline ng serbisyo.”

“Pabayaan ninyo ako na maging boses ninyo sa Senado. Ibubuhos ko ang aking karanasan at serbisyo para sa kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na sa mga nasa grassroots,” ani pa ni Abalos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending