Hirit ng transport group na P3 dagdag sa pasahe, pinalagan | Bandera

Hirit ng transport group na P3 dagdag sa pasahe, pinalagan

- October 14, 2021 - 04:22 PM

Jeep sa kalsada

PHOTO BY ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

PUMALAG ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa hirit ng transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tatlong pisong dagdag pasahe.

Ayon kay Attorney Ariel Inton, ang presidente ng LCSP, sa halip na tatlong piso, piso lamang ang dapat na maging fare increase.

Masyado kasi aniyang mabigat sa bulsa ng mga pasahero ang P3 umento sa pasahe.

Dagdag dagok din aniya ito lalo na sa mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay o negosyo dahil sa pandemya sa COVID-19.

Kung tutuusin, ayon kay Inton, hindi na dapat na dagdagan pa ang kalbaryo ng mga manggagawa lalo’t ngayon lamang unti-unting nakababalik sa trabaho.

Agad namang nilinaw ni Inton na naiintindihan niya ang hinaing ng mga operator at drayber na humantong na sa panlilimos sa kalsada.

Pero ayon kay Inton, sadyang masyadong mabigat sa hanay ng mga pasahero ang ipinanukalang dagdag pasahe.

Ang tatlong piso umanong umento sa pamasahe ay nanganghulugan ng P156 na dagdag gastos sa isang ordinaryong manggagawa na pumapasok sa trabaho ng 26 na araw kada buwan.

Una rito, naghain ng dagdag pasahe sa LTFRB ang grupong Fejodap, Altodap, Acto at iba pa.

Itinuturong dahilan ng mga nagpetisyon ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending