Panalo ni Senate bet Bam Aquino tiniyak ni Win sa Valenzuela City
Eleksyon 2025 - Bandera April 06, 2025 - 03:21 PM

PHOTO: Facebook/Bam Aquino
HINDI bibiguin ng mga residente ng Valenzuela City si dating Senator Bam Aquino.
Ito ang tiniyak ni Sen. Win Gatchalian nang dumalaw si Aquino sa lungsod at naging panauhing pandangal sa Kuya Win Scholars Assembly sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela kamakailan lang.
“Kasama mo kami, kaibigan mo kami. Lahat kami dito, campaign manager mo. Makakaasa ka na dito sa Valenzeula ipapanalo ka namin,” pahayag ni Gatchalian.
Sinabi ng senador na mahalaga na makabalik sa Senado si Aquino dahil tunay itong kampeon ng edukasyon at tutulong para maiangat ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Baka Bet Mo: Anne Curtis, Alex Calleja, Ogie Diaz ibinandera ang suporta kay Bam
Binanggit pa ni Gatchalian na sa hanay ng mga kandidato, si Aquino lamang ang may tunay na adbokasiya sa edukasyon at marami sa kanyang mga kalungsod ang nakikinabang sa mga batas na isinulong ng dating senador.
Si Aquino ang pangunahing awtor ng libreng pag-aaral sa kolehiyo.
Samantala, lubos na pinasalamatan ni Aquino si Gatchalian.
“Dito po sa ating edukasyon, napakaraming reporma ang kailangan gawin. At iyong pangako po natin kasama si Sen. Win, iisa-isahin po natin iyan hanggang sa makita natin na ang antas ng edukasyon sa ating bansa ay umabot sa tamang lebel,” ani Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.