Batangas mayor hinuli sa NAIA Terminal 1, na-contempt ng Kamara
HINDI na nakalabas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 si Bauan, Batangas Mayor Ryanh Dolor nang arestuhin siya ng mga tauhan ng House Sergeant-at-Arms.
Ipinaalam kay Dolor ang contempt citation sa kanya ng House Committee on Public Accounts pasado alas-12 ng hatinggabi kanina at mula siya sa biyahe sa Amerika.
Alas-11:34 kagabi nang lumapag ang sinakyan ni Dolor na PAL flight PR 113 na mula sa Los Angeles, California.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Bagong port sa Batangas naghahanap ng ‘skilled’ workers
View this post on Instagram
Ang contempt citation ay pirmado ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano at may petsa ito na Marso 17.
Ipinag-utos. ng komite ang pag-aresto sa Batangas mayor dahil sa hindi nito pagsipot sa mga pagdinig sa Kamara kaugnay sa pagsasapribado ng Bauan Waterworks System sa kabila ng mga abiso mula sa komite.
Ipinakita naman ni Dolor ang kanyang travel authority na pirmado ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas para sa kanyang biyahe sa Estados Unidos mula Marso 11 hanggang Marso 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.