NAIA security officer sinabing tsokolate raw ang nilunok at hindi $300, OTS investigation team hindi naniniwala | Bandera

NAIA security officer sinabing tsokolate raw ang nilunok at hindi $300, OTS investigation team hindi naniniwala

Therese Arceo - September 23, 2023 - 03:28 PM

NAIA security screening officer sinabing tsokolate raw ang nilunok at hindi $300, OTS investigation team hindi naniniwala
PINABULAANAN ng female NAIA security officer ang akusasyong pera ang kanyang kinain kundi tsokolate sa nag-viral na CCTV footage.

Ito ay base sa ibinahagi ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Mao Aplasca ukol sa kanilang staff na nahaharap sa malaking kontrobersiya ngayon.

Matatandaang kumalat ang CCTV footage ng isang female screening officer kung saan diumano’y isinubo nito ang perang ninakaw mula sa isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong September 8, 2023.

Ang naturang pasahero na nanakawan ay isang Chinese na dumaan sa mandatory screening.

Ibinaba bito ang kanyang shoulder nag upang ma-check ng screening officer ngunit nang kunin na niya ang kanyang bag ay napansin nitong bukas ang kanyang wallet at nawawala na ang USD300 o nagkakahalaga ng mahigit P17,000.

Kumalat ang naturang CCTV footage sa social media kung saan makikitang may isinubo ang female screening officer sa kanyang bibig na hirap niyang lunukin kaya sinabayan niya ito ng pag-inom ng tubig.

Baka Bet Mo: NAIA security officer nilunok ang $300 na dinukot sa pasahero, nais patawan ng mabigat na parusa

Kaya ngayon ay iniimbestigahan ang staff ng NAIA dahil sa naturang video na kumuha ng atensyon ng madlang netizens.

“Nag-submit siya [screening officer] ng supplemental affidavit sa ating investigation team na parang may kinain lang siyang tsokolate,”ayon sa ulat ni Joseph Morong mula sa GMA Integrated News.

Inamin ng OTS investigation team na pinagdududahan nila ang pahayag ng staff ng NAIA.

“Hindi naman normal na ganon kumain ng tsokolate ano, na hirap na hirap, at itinutulak pa niya, tsaka di naman kailangan ng tubig,” saad ni Aplasca.

Samantala, sinampahan naman nila ang screening officer ng grave misconduct pati na rin ang supervisor nito maging ang isa pang katrabaho na nagbigay ng tubig sa female screening officer.

Bukod pa rito ay pinatawan rin ang tatlong staff na hindi pinangalanan ng preventive suspension.

Maging ang 14 pang kasamahan ng screening officer ay isinailalim rin sa imbestigasyon.

Pinag-aaralan rin ng OTS investigation team ang posibilidad na sampahan ng theft ang mga mapapatunayang nagkamali.

Related Chika:
Dayuhang pasahero sa NAIA nawalan ng P50k, naibalik agad ng airport staff

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

NAIA nagtala ng 1.6-M international passengers, pinakamarami mula nang magkapandemya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending