Piloto, student pilot patay sa bumagsak na Cessna plane

Piloto, student pilot patay sa bumagsak na Cessna plane sa Pangasinan

Ervin Santiago - March 30, 2025 - 01:56 PM

Piloto, student pilot patay sa bumagsak na Cessna plane sa Pangasinan

Photo courtesy of PNP Air Unit

PATAY ang piloto at isa niyang student pilot matapos mag-crash ang sinasakyan nilang Cessna plane sa Lingayen, Pangasinan ngayong araw, March 30.

Base sa ulat ng Philippine National Police (PNP)-Lingayen, naisugod pa sa pinakamalapit na ospital sa naturang probinsya ang 32-anyos na piloto at 25-anyos na student pilot ngunit idineklara silang dead on arrival.

Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking masawi na sakay ng bumagsak na 2-seater aircraft, dahil kailangan muna nila itong ipaalam sa kanilang mga pamilya.

Sa inisyal na pagsisiyasat, bumagsak ang Cessna plane sa bisinidad ng Barangay Libsong East, sa Lingayen, Pangasinan dakong alas-8 ng umaga ngayong araw ng Linggo.

Ayon kay Police Lt. Col. Amor Mio Somine, chief of police ng Lingayen, “Unfortunately po medyo malungkot na balita pero pagdating sa ospital dineclare dead on arrival po sila.”

Aniya, kaka-take pa lamang ng naturang Cessna plane mula sa airport nang ito’y biglang mag-crash.

“Habang papaitaas siya…noong nasa itaas na, noong magu-u-turn na siya, bigla daw pong bumagsak, kaya hindi pa po nakakalayo sa airport,” sabi ng opisyal.

Ang nasabing Cessna plane ay naka-register bilang RP-C8595 at ino-operate ng Pilipinas Space Aviation Academy Inc..

Patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga otoridad sa nangyaring aksidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending