Retrieval team pabalik na sa base camp, 4 na bangkay narekober sa bumagsak na Cessna plane
NGAYONG araw ng Linggo, February 26, ay inaasahang babalik na sa base camp sa bayan ng Camalig ang retrieval team na nagrekober ng apat na bangkay sa bumagsak na Cessna plane.
Ayon kay Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., kinakailangang magpahinga ang emergency responders bago bumaba dahil matarik ang mga daan sa Bulkang Mayon.
“They are now on their way down, but we cannot determine the time of their arrival because the retrieval teams are possibly tired,” sey ni Mayor Baldo sa isang press briefing.
Dagdag niya, “Once they get exhausted, they will take a break.”
Sinabi din ng alkalde na matagumpay na narekober ng retrieval team ang lahat ng mga bangkay nitong February 25, 2:30 p.m.
Noong February 22 pa natagpuan ang mga katawan ngunit hindi kaagad nila ito makuha bunsod ng masamang panahon na nagdulot ng makapal na ulap.
Kabilang sa mga nasawi ay ang piloto na si Capt. Rufino James Crisostomo Jr., ang mekaniko na si Joel Martin, at ang dalawang Australian na pasahero na sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanam.
Matatandaan noon pang February 18 nawawala ang nasabing eroplano matapos itong lumipad mula sa Bicol International Airport.
Nakita ang mga bangkay 350 meters (1,148 feet) mula sa crater o bunganga ng Mayon volcano.
Read more:
Isabela LGU posibleng natagpuan na ang bahagi ng nawawalang Cessna plane
Paghahanap sa nawawalang Cessna plane sa Isabela inihinto muna
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.