Isabela LGU posibleng natagpuan na ang bahagi ng nawawalang Cessna plane | Bandera

Isabela LGU posibleng natagpuan na ang bahagi ng nawawalang Cessna plane

Pauline del Rosario - January 30, 2023 - 10:14 AM

Balita featured image

AYON sa public information office (PIO) ng Isabela ay posibleng natagpuan ng mga residente ang bahagi umano ng nawawalang Cessna plane.

Base sa report, nakita ito malapit sa kabundukan sa may Barangay Sapinit ng probinsya nitong Linggo, January 29.

“Meron akong na-receive na information as of 6:45 a.m., ‘yung tao daw po, 25-kilometer malapit sa Ilagan-Divilacan Road, may nai-spot daw po sila na object that could be a wreckage na po sa mountain side near doon sa Sapinit,” saad ng Isabela PIO administrative officer na si Joshua Hapinit sa isang interview with DZBB.

Ngunit nilinaw ni Hapinit na kailangan pang i-verify ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang nakalap nilang impormasyon.

“We will verify the information muna,” sabi ng PIO administrative officer.

Ayon pa kay Hapinit, hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa piloto at lima pang pasahero ng eroplano at patuloy pa rin naman daw ang kanilang search and rescue operations.

Matatandaan nitong Sabado (Jan. 28) ay pansamantalang pinahinto na muna ang paghahanap dahil sa masamang panahon.

January 24 pa nawawala ang 6-seater na eroplano na sa mga panahon na iyon ay inaasahang lalapag sana sa Maconacon Airport, ang domestic airport sa Isabela.

Ngunit hindi na ito nakarating at hindi na rin ma-contact ang mga piloto sa pamamagitan ng tinatawag na “air traffic controller.”

Nauna nang sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakikipagtulungan na rin sila sa Hong Kong Mission Control Center (HKMCC) at Japan Mission Control Center (JAMCC) upang makakuha man lang ng  “distressed signal” mula sa nawawalang eroplano.

Read more:

Paghahanap sa nawawalang Cessna plane sa Isabela inihinto muna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice umarkila ng private plane, bumili ng branded swimsuit para sa beach party, pero ‘nganga’

Edward Barber natagpuan ang kanyang ‘calling’ bilang Christian, naghahanda na para maging pastor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending