Vice umarkila ng private plane, bumili ng branded swimsuit para sa beach party, pero 'nganga' | Bandera

Vice umarkila ng private plane, bumili ng branded swimsuit para sa beach party, pero ‘nganga’

Ervin Santiago - May 13, 2021 - 09:33 AM

NAGRENTA ng private plane, bumili at nagpatahi ng mga mamahaling swimsuit si Vice Ganda para sana sa birthday celebration niya nitong nagdaang Marso.

Balak kasi ng TV host-comedian na ipagdiwang sa isang private beach resort ang kaarawan niya ngayong taon kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Ngunit napurnada nga ang bonggang-bongga niyang plano dahil bigla na namang nagpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ang pamahalaan nang  tumaas muli ang COVID-19 cases sa bansa.

Sa latest vlog ni Vice naikuwento niya ang tungkol dito kasabay ng pagpapakita sa madlang pipol ng mga swimsuit at accessories na gagamitin sana niya sa kanyang beach party.

Kuwento ng Phenomenal Box-Office Star, handang-handa na raw ang lahat pati na ang private plane na sasakyan sana ng kanyang pamilya at mga kaibigan patungo sa nirentahan nilang beach house.

“Umarkila kami ng private plane for my family dahil ayokong isabay ang nanay ko sa commercial flights. Pero biglang nag-lockdown ulit, so cancelled,” dismayadong chika ni Vice.

Ayon sa partner ni Ion Perez,  nanghinayang din siya dahil hindi nga niya nagamit at nairampa ang mga designer swimsuit at ilan pang branded na damit na binili niya.

“Ipapakita ko sa inyo ang summer paandar 2021 ko na nawalan ng saysay dahil hindi na naman tayo nakapag-beach ngayong summer. Dahil quarantine pa rin tayo, girl,” pahayag pa ng “It’s Showtime” host.

In-expect kasi ni Vice na makakabawi siya ngayong 2021 dahil nga hindi na siya nakapag-celebrate ng kanyang kaarawan last year dahil pa rin sa pandemya.

“Last year wala namang ganap, so sabi ko babawi ako this year. Deserve ko naman. Kasi nalungkot ako, na-stress ako, nagtrabaho naman ako. Sabi ko regaluhan ko naman sarili ko,” dagdag pang chika ni Vice.

Sa isang bahagi ng kanyang vlog, isa-isang ngang pinakita ni Vice ang mga swimwear na gagamitin sana niya sa kanyang beach trip kabilang na ang dalawang Versace at Balmain swimsuits.

Meron din siyang biniling Gucci brim hat na plano niyang irampa habang nakasakay sa bangka. Bukod pa riyan ang dadalhin sana niyang Versace t-shirt na pang-beach volleyball at isang personalized bath robe.

Ipinakita rin niya sa madlang pipol ang ipinatahi niyang bonggang mga damit at swimsuit sa kaibigan niyang si Jaz Cerezo, kabilang na ang isang red dress na balak niyang isuot sa mismong birthday niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa bandang ending nga ng vlog, isinuot navlamang ni Vice ang mga mamahalin at branded OOTD habang rumarampa sa swimming pool ng kanyang mala-hotel na bahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending