Erich Gonzales may 2 anak kay Mateo Lorenzo, malabo pang magbalik-showbiz?

PHOTO: Instagram/@erichgg
DALAWA na nga ba ang anak nina Mateo Lorenzo at Erich Gonzales-Lorenzo?
Kaya namin ito naitanong ay dahil nahagip sa video sa loob ng simbahang St. James The Great Parish sa Ayala, Alabang na may karga-kargang batang nakatalikod si Mateo na sa tingin namin ay isang buwan pa lang ito.
Tila kausap ni Mateo ang magulang niya habang karga ang bata na tila pinatatahan dahil tila nililibang niya.
Kung trulili nga na dalawa na ang anak nina Erich at Mateo ay ibig sabihin ay halos dalawang taon ang pagitan ng magkapatid.
Baka Bet Mo: Binyag ng anak nina Erich Gonzales, Mateo Lorenzo nag-viral after 2 years
Matatandaang ibinandera ni Father Frankie Mabanta ang larawang bininyagan ang panganay nina Erich Gonzales-Lorenzo at Mateo Lorenzo na si Jose Mateo noong June 28, 2023.
Halos dalawang tao na palang nai-post ito ng paring kaibigan ng pamilya Lorenzo dahil nabanggit niya na ikatlong henerasyon na ang anak nina Erich at Mateo na bininyagan niya dahil nauna ay siya ang nagkasal sa lolo’t lola ng bata na sina Ginoong Martin Lorenzo at Leah De leon Lorenzo 34 years ago at si Father Frankie ang nagbinyag kay Mateo na asawa ng dating aktres, 31 years ago at heto siya ang nagbinyag sa panganay ng mag-asawa.
Trending ang nasabing larawan ng binyag ni Jose Mateo na labas din namin dito sa BANDERA ngayong araw, April 11.
Nakalusot sa mga ‘Marites’ ang post na ito ni Father Frankie dahil 2023 pa ito, marahil sa kase-search sa pangalan ng pamilya ng napangasawa ni Claudia Barreto ay biglang um-appear ang larawang kuha ng pari.
Sa kasalukuyan ay tinanggal na ni Father Frankie ang post niya para hindi na siguro ito pagpiyestahan ng publiko dahil hot topic ang kakatapos lang na kasal nina Claudia at Basti.
Anyway, mukhang malabo pang bumalik si Erich sa showbiz dahil dalawang maliliit na tsikiting ang personal niyang inaalagaan.
Ito rin kaya ang payo ng in-laws ni Erich na palakihin ang mga anak nila ni Mateo na walang yaya dahil ganito nila pinalaki ang 12 anak na walang kasambahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.