‘Middle child’ mas mapagkumbaba, tapat at mas matulungin, true ba?

INQUIRER file photo
MAY bagong pag-aaral ang nagpapakita na ang mga “middle child” ay may kalamangan pagdating sa ilang katangian, kumpara sa kanilang mga nakatatanda at nakababatang kapatid.
Ayon sa ulat ng NDTV, isang Indian news media company, bagamat nananatiling hindi pa tiyak ang siyensya sa isyung ito, naging matibay naman ang mga stereotype sa paghubog ng opinyon ng marami na kung saan ang panganay ay madalas ituring na matalino at assertive, habang ang bunso naman ay “spoiled.”
Ang mga gitnang anak naman, ayon sa WebMD, ay kadalasang nakikita bilang “caught in the middle” dahil sa mas kakaunting atensyon mula sa magulang.
Ngunit ayon sa mga Canadian researcher na sina Michael Ashton ng Brock University at Kibeom Lee ng University of Calgary, ang pagiging gitnang anak ay may mga “strength” na hindi natin napapansin.
Baka Bet Mo: Thea may payo sa mga ‘middle child’ na kinikimkim ang sama ng loob sa pamilya
Sa kanilang pag-aaral na may titulong “Parents,” napag-alaman na ang mga middle child ay mas tapat, mapagkumbaba, at mas madaling makisama kumpara sa kanilang mga kapatid.
Gamit ang HEXACO Personality Inventory, isang pagsusulit na sumusukat sa mga katangian tulad ng honesty-humility, agreeableness, emotionality, at openness –natuklasan na ang mga gitnang anak ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa honesty-humility at agreeableness.
Ipinapakita ng pag-aaral na ang mga middle child ay mas may kakayahang magpatawad, hindi mapaghusga, marunong makipag-kompromiso, mas matulungin, at mas kontrolado ang temper.
Kung ang gitnang anak ang nangunguna sa ganitong katangian, sinundan sila ng mga bunso.
Habang ang mga panganay at nag-iisang anak naman ang nakakuha ng pinakamababang marka.
Gayunpaman, may mga ibang pag-aaral na kumukuwestiyon sa mga natuklasang ito ng nasabing Canadian researchers.
Ilan lamang sa mga international stars na gitnang anak ay sina Martin Luther King Jr., Madonna, Warren Buffett, at Abraham Lincoln.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.