Thea may payo sa mga 'middle child' na kinikimkim ang sama ng loob sa pamilya | Bandera

Thea may payo sa mga ‘middle child’ na kinikimkim ang sama ng loob sa pamilya

Ervin Santiago - September 23, 2021 - 08:52 AM

Thea Tolentino

MIDDLE child ba kayo? Totoo bang may mga isyu ring ipinaglalaban ang mga “gitnang anak” sa mga pamilyang Pinoy? 

Sa bagong Kapuso series na “Las Hermanas,” gaganap na middle child ang magaling na kontrabida na si Thea Tolentino.

Sa kuwento ng nasabing serye, hindi na masyadong napapansin at napakikinggan ang karakter ni Thea  sa pamilya kaya sa isang panayam ay nagbigay ng saloobin at advice ang dalaga sa mga middle child sa totoong buhay.

“Usually kahit sa totoong buhay ang mga middle child, hindi sila usually ‘yung napapakinggan ng mga magulang.

“Ang focus madalas ng mga magulang is nasa panganay or nasa bunso,” ang chika ng Kapuso actress sa panayam ng GMA.

Panganay si Thea sa tunay na buhay at kung minsan ay nararamdaman niya ang kakaibang ugali ng kapatid niya na middle child.

“Napansin ko rin talaga na madalas sa kanila ang kinikimkim ang emosyon.

“Ang advice ko is huwag hayaan ang sarili na ipunin lahat kasi aabot din sa point na sasabog kayo and kayo rin ‘yung masasaktan. 

“Kaya mas okay din talaga na makahanap ka ng outlet, or unti-unti na maging open kahit sa family kahit mahirap.

“Kasi kapag nag-assume tayo tapos nagiging malala siya, pero kapag in-open pala natin, mari-realize natin na, hindi pala ganu’n kalala ‘yung sitwasyon. Sana in-open ko na dati pa. So less regrets din kapag vocal tayo,” pahayag pa Thea.

Samantala, excited na si Thea sa nalalapit na pagpapalabas ng “Las Hermanas” kung saan gaganap siya bilang si Minnie Manansala, ang ikalawa sa tatlong magkakapatid na Manansala.

Si Yasmien Kurdi ang gaganap na Dorothy, ang panganay at si Faith da Silva naman ang bunsong si Scarlet.

“Makikita nila ang iba’t ibang personalities and views in life ng magkakapatid.

“Si Minnie Manansala, sobrang insecure siya, hindi siya vocal with her emotions. So madalas sinusulat niya na lang or inaatake siya ng anxiety,” kuwento pa ni Thea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ngayong Oktubre ang “Las Hermanas” sa GMA Afternoon Prime. Makakasama rin dito ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending